NANGGAGALAITI sa inis ang vlogger-actress na si Ivana Alawi sa mga basher at hater ng kanyang bunsong kapatid na si Mona.
Naglabas ng sama ng loob si Ivana matapos ikwento ang mga pinagdaanan niya nang ma-confine sa ospital noong nakaraang buwan.
“Sa mga namba-bash kay Mona, mga p*t*ng*n* niyo!” mensahe ng aktres.
Ayon kay Ivana, naka-relate siya sa hirap ng kanyang kapatid nang magkasakit siya kamakailan lang.
“Imaginin niyo, sa ganung pain sumusuko na ako sa life eh mas matindi naman ‘yung pain niya tapos iba-bash niyo ‘yung bata,” sey niya.
Para sa mga hindi pa masyadong aware, mayroong Type 1 Diabetes si Mona at siya ay na-diagnose nito noon pang 2011, ang taon na nagsisimula pa lang siya sa kanyang karera sa showbiz industry.
Baka Bet Mo: Ivana nahirapang huminga, nagka-‘fluid’ nang malala sa tiyan kaya na-confine
“T*ng*n*, may sakit na nga ‘yung tao tapos gaganun ganunin niyo?! Iba-bash niyo?! Get a life! Napakapangit niyo kasi kaya kayo namba-bash,” dagdag ng vlogger sa mga epal na basher.
Mensahe naman niya para sa mga tagasuporta ng kanyang kapatid, “Sa mga nagtatanggol sa kanya, maraming maraming salamat. I love you guys!”
Naririnig din sa background ng video na nandoon mismo si Mona at tila pinipigilan niyang mag-rant ang nakakatandang kapatid.
Sagot naman sa kanya ni Ivana, “Bakit? Nanggigil eh.”
Patuloy niya, “Gusto ko talaga gumawa ng video tapos i-repost niyo ‘to sa TikTok para makita ng mga hayop na mga basher na ‘yan.”
“Kung gusto niyong mang-bash, sakin kayo mam-bash. Wala kasi kayong –ang pangit niyo kasi! Alam niyo, siguro malungkot kayo sa buhay niyo,” gigil na sinabi ni Ivana.
Kasunod niyan ay naiyak na si Mona at nagpakita sa video, habang si Ivana ay patuloy sa kanyang sinasabi: “Imagine mo siya, fighting for [her life].”
“Ang lala ng mga basher, napaka- bitter niyo sa buhay, napakapangit siguro ng buhay niyo para mangsaktan ng ibang tao na wala namang ginagawa sa inyo. I hope karma gets you!” lahad ng vlogger.
Hirit naman ni Mona, “People naman that are happy in their lives and are doing well, they won’t take the time to bring down someone else or bash someone.”
“So ang iniisip ko nalang, people who do that hindi sila masaya sa buhay nila or they’re going through something and ‘yun ‘yung outlet nila,” ani niya dahil iniintindi nalang daw niya ang mga nang-aapi sa kanya.
Sumabat si Ivana, “Pero ayusin niyo! Sakin nalang kayo mam-bash. Wag siya, t*ng*n* niyo! Gago. Akala niyo naman kagandahan. Dummy account naman kadalasan.”
Sa huli ay humingi ng dasal si Ivana para hindi lang siya ang gumaling, kundi pati ang kanyang kapatid.
Ibinunyag din ng aktres na magpupunta sa Singapore si Mona upang doon magpa-check up.