SPOTTED ang Kapamilya actress na si Sue Ramirez at aktor na si Dominic Roque na naghahalikan sa isang bar.
Base sa kumakalat na video sa netizens makikita na magkatabi ang aktres na nakasuot ng white dress habang si Dom naman ay nakasuot ng itim na shirt at cap.
Kasama nila Dom at Sue ang kanilang kaibigan at tila nagkakasayahan.
Sa sumunod na pangyayaei ay makikitang hinawakan ng aktres ang mukha ng aktor pagkatapos ay nangyari na ang halikan ng dalawa.
Baka Bet Mo: Sue Ramirez, Javi Benitez tumagal ng 5 years, nagkasawaan kaya nag-break?
Matapos ito ay hinawakan pa ni Dom ang kamay ni Sue na tumayo naman pagkatapos.
Base sa mga posts ng netizens sa website ng Reddit, nangyari ang halikan ng dalawa sa isang bar sa General Luna, Siargao.
Mukhang tumpak naman dahil base na rin sa latest Instagram update nina Dominic at Sue ay nasa Siargao ang mga ito.
Sa IG story ni Dom ngayong araw ay nasa isang resort ito sa General Luna, Siargao.
Samantalang noong November 7 ay nag-post si Sue ng kanyang picture na kuha sa Lamari, Siargao.
Agad namang umani ng samu’t saring komento mula sa madlang pipol ang naturang halikan ng dalawa.
“Okay lang naman if nag gegetting to know sila. I really like Sue din as a person, like if may makakavibe ako na artista, si Sue yon. Pretty na may sense of humor and unproblematic. Parang bagay nga sila ni Dom talaga. Si OA (Sue) at si nonchalant (Dom). Sue tend to attract calm boys ano? Hahahahaha,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “They look like just casually hanging-out. But if ever they’ll date talaga, go for it. Mukang mabuting tao naman sila pareho and both are single.”
“Single naman si Sue, single rin si Dom. Go lang sa tukaan! Bagay naman sila,” hirit naman ng isa.
Matatandaang umugong kamakailan ang balita na hiwalay na ang aktres sa kanyang politician boyfriend na si Mayor Javi Benitez.
Ngunit hanggang ngayon ay wala pang direktang pag-amin si Sue maging ang alkalde patungkol rito.