Hula ni Rudy Baldwin, hangin na may dalang bacteria sa 2025

Hula ni Rudy Baldwin, hangin na may dalang bacteria sa 2025

ILANG buwan pa bago matapos ang taong 2024 ay may nakikita na ang fortune teller na si Rudy Baldwin na hindi magandang mangyayari sa 2025.

Sa naging guesting nito sa “Toni Talks” ay ibinahagi ng fortune teller ang kanyang mga predictions o nakikitang maaaring mangyari sa parating na bagong taon.

“Hindi ko siya ma-compare sa virus. I don’t know what to call it yet. Isa siyang hangin na may dalang bacteria. It so bad kasi ‘di ba do’n sa monkey pox…ito iba ‘to,” panimula ni Rudy.

Dagdag pa niya, “Bacteria siya na isa siyang sakit na para bang makumpara natin sa Bibliya. Nagsasara ng pinto kasi may papasok na hangin na nakakamatay. Parang gano’n.”

Baka Bet Mo: Rudy Baldwin kayang i-predict ang magpapagaling sa mga sakit ni Kris Aquino?

Ani Rudy, ibang klase raw ito at talganf nakakatakot lalo na at galing ito sa hangin.

Sa kabila raw ng sakit na maaaring dumating sa 2025 ay nakikita naman niyang may lunas para sa sakit nito.

“Kumbaga parang naghe-heal na siya rito banda [sa kamay], mayro’n naman dito [sa braso],” sabi ni Rudy.

Pagpapatuloy pa niya, hindi naman raw ito kagaya ng COVID-19 na apektado ang buong mundo na nagresulta ng lockdown.

Para sa mga hindi aware, si Rudy ay nakilala sa social media matapos mag-viral na totoong mangyari ang kanyang mga naging prediksyon na ininabahagi.

Amin pa nga niya, dahil sa kanyang mga naibabahagi sa social media ay marami ang tumatawag sa kanya ng “baliw”.

Read more...