Music, comedy, performance art sanib-pwersa sa Linya-Linya Land 2024

Music, comedy, performance art sanib-pwersa sa Linya-Linya Land 2024

PHOTO: Courtesy f Linya-Linya Land 2023

NAGBABALIK ang Linya-Linya Land ngayong 2024 na may kapana-panabik na lineup ng iba’t-ibang Pinoy talents!

Magsasama-sama sa isang stage ang music, comedy, at performance art para sa sining at adbokasiya ng Ka-Linya community and Beyond.

Tampok sa taunang festival ang OPM musicians kabilang na sina Lola Amour, Over October, Unique Salonga, Cheats, Oh! Flamingo, KJah, Mhot, at Apoc.

Magtatanghal din ang ilang stand-up comedians kagaya nina GB Labrador, James Caraan, Nonong Ballinan, Ryan Rems, and Muman Reyes ng The KoolPals, at sina Victor Anastacio and Issa Villaverde ng Comedy Manila.

Magiging extra special din ang event dahil first time na magkakaroon ng drag performance na pinangungunahan ng Rupaul’s Drag Race Philippines Season 3 superstar na si Tita Baby.

Baka Bet Mo: Baron inatake ng depresyon sa lock-in taping: Buti na lang nandoon si Lander…

Para sa mga hindi aware, halos sampung taon na ang pag-arangkada ng nasabing festival.

Ang layunin nito ay para suportahan ang homegrown artists and performers, habang pinalalakas ang boses pagdating sa lokal na sining at creative industry.

“Celebration ito ng Filipino arts and culture mula sa iba’t ibang linya,” sey ng co-founder at creative director ng Linya-Linya na si Ali Sangalang sa isang pahayag.

Chika niya, “Different art forms—from music, comedy, to performance art—nagsama-sama sa iisang entablado para i-showcase ang Filipino creativity, at itulak din ang iba’t ibang adbokasiya.”

“Masaya kami sa Linya-Linya na ikonekta at pagtagpo-tagpuin silang lahat sa isang masaya at makabuluhang event,” ani pa ng co-founder.

Bukod sa show-stopping performances, puno rin ng masasayang activities ang event dahil nandoon ang Breakout Manila, Kape-Kape, Puddy Rock Studio, at Heroes Headquarters.

Ang Linya-Linya Land 2024 ay gaganapin sa 123 Block, Mandala Park sa Mandaluyong City sa November 30.

Ang tickets ay mabibili online sa site na ito: bit.ly/linyalinyaland24

Para sa iba pang impormasyon ng event, maaari niyong tingnan ang social media pages ng Linya-Linya.

Read more...