NANGHINGI ng tulong ang batikang aktres na si Ara Mina sa content creator na si Boss Toyo.
Ito ay para ipasubasta ang kanyang iconic red gown na isinuot sa award-winning film na “Mano Po,” ayon sa celebrity mom sa latest episode ng “Pawnstars.”
Ang pera na makukuha ni Ara ay ipagpapatayo niya ng assistance center para sa mga Persons with Disabilities (PWD).
Kwento pa niya, nasa sampung tao na ang humiling na bilhin ang gown mula nang isinuot niya ito noong 2002.
Nabanggit din niya na very trending ang backless style nito at halos makita na ang kanyang pwet.
Baka Bet Mo: Ara Mina ibinuking ang tunay na relasyon nina Coco Martin, Julia Montes: ‘I’m happy for him dahil open na sila…’
“Itong gown na ‘to madalas ‘to mag-trending kasi diba sila Beyonce, sila Kim Kardashian, nag-ganiyan na nag-low back,” sey niya.
Wika pa ni Ara, “Famous rin ‘yan sa mga LGBTQ+ natin lalo na kapag may mga gay contest. Gusto ko siya ipa-auction.”
Nabnggit din niya na kaya naisipan niyang magpatayo ng assistance center ay dahil na rin sa isa niyang kapatid na may Down syndrome.
“Plano kong magtayo ng assistance center sa Santolan,” pagbabahagi ng aktres.
Paliwanag pa niya, “‘Yung assistance center pwede tayong mag-assessment, therapy. Pwede rin tayo mag-paralympics.”
Kung matatandaan noong 2020 nang mag-viral si Ara matapos mapansin na halos kahawig ng nasabing iconic gown ang mga sinuot recently ng global stars na sina Beyonce at Kim Kardashian.
Maaalala rin na dahil sa “Mano Po” ay nakuha ni Ara ang kauna-unahan niyang Best Actress award.
Bukod diyan, ang pelikula ay nagwagi ng isang dosenang parangal sa 28th Manila Film Festival.
Tampok din sa “Mano Po” sina Maricel Soriano, Richard Gomez, Kris Aquino, ang yumaong Eddie Garcia, at si Boots Anson-Roa.