MAGDYOWA nga ba sina Buboy Villar at Jelai Andres? Super sweet at super touchy daw kasi lagi ang dalawa kapag nakikitang magkasama.
Ito ang dahilan kung bakit natsitsismis na mukhang matagal na raw magkarelasyon sina Buboy at Jelai at itinatago lang daw nila ang katotohanan para iwas tsismis at intriga.
Isa ito sa mga isyung nilinaw ni Buboy sa guesting niya sa newest afternoon show ng GTV na “Lutong Bahay” hosted by Kapuso actress Mikee Quintos.
Sa isang part ng programa ay nausisa ni Mikee si Buboy tungkol sa relasyon nila ng aktres at content creator at kung totoo bang naka-feel siya ng “something” para kay Jelai.
“Alam mo namang best friend ko si Ruru (Madrid), ‘di ba? So alam ko ‘yung pakiramdam ng isang best friend, at naramdaman ko kay Jelai ‘yun,” ang pahayag ng komedyante.
Baka Bet Mo: Buboy Villar nagsalita na sa tunay na relasyon nila ni Jelai Andres; napaiyak nang mapag-usapan ang 2 anak
Sey ng Kapuso actor, puwede naman talagang maging mag-best friend ang isang lalaki at isang babae nang walang malisya at “kalandian.”
“Puwedeng mangyari ‘yun na isang lalaki, magiging best friend ang babae. Puwede ‘yon, na walang halong label o walang kahit anong kalandian,” esplika ni Buboy.
Nagsalita rin siya nang patapos at sinigurong panghabang-buhay na ang friendship nila ni Jelai.
Sinabi rin ni Buboy sa isang interview na matagal na silang super close ni Jelai pero malinaw sa kanya na talagang hanggang mag-BF lang sila.
Inilarawan din ng aktor si Jelai na napakabait at super caring. Hindi raw ito nakakalimot na tanungin siya kung nakauwi na ng bahay kapag may lakad sila.
Single pa rin daw hanggang ngayon si Buboy matapos silang maghiwalay ng dating partner na si Angillyn Gorens. Maayos naman ang kanilang naging breakup at maayos din ang co-parenting agreement nila para sa dalawa nilang anak.
Sey ni Buboy hindi raw niya nakikita sa ngayon na magkakabalikan pa sila ni Angillyn.
“Kumbaga, masaya ako sa sitwasyon namin ngayon dahil naka-focus kaming dalawa sa mga anak namin. Wala kaming gusto sa future kung hindi mapaganda ang kinabukasan ng mga anak namin,” chika pa ng komedyante.