NAKUNAN ng CCTV ang pagkalaglag ng yumaong One Direction member na si Liam Payne mula sa 3rd floor ng CamSur Hotel, sa Buenos Aires, Argentina.
Pumanaw ang international singer noong October 16 na ipinagluksa ng kanyang mga tagasuporta mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Base sa pinakahuling ulat na naglabasan sa Argentina, hindi nagpakamatay si Liam tulad ng mga unang naglabasan sa social media at pinaniwalaan ng ilang fans ng singer.
Ayon sa Argentinian broadcast journalist na si Paula Varela, aksidente ang pagkalaglag ni Liam sa naturang hotel dahil nawalan muna umano ito ng malay bago mahulog.
Sabi ni Varela, nakunan ng CCTV ang insidente ngunit hindi umano isinapubliko ng mga otoridad ang footage kung saan makikitang hindi tumalon si Liam mula sa balkonahe ng kanyang hotel room.
Baka Bet Mo: Sharon napasenti sa mga anak dahil sa pagkamatay ni Liam Payne
“There is footage that is not being released to the media with the balcony scene where you see that Liam faints and tragically because of where he is, falls from that balcony.
“If he had been beside his bed, he would have fallen on his bed.
“It’s not that he jumped deliberately. This footage is in the official case files,” ayon sa pahayag ni Valera sa programang Socios del Espectaculo na ipinalalabas sa Argentinian TV network na Canal 13.
Iniulat din niya na isang “night worker” sa CasaSur Hotel na inilarawang may “good relationship” kay Liam ang iniimbestigahan ngayon upang matukoy kung sino ang nag-supply ng drugs sa singer.
“There’s a lad who’s being investigated, he was working nights at the hotel. He’s 20 and had struck up an excellent relationship with Liam. He’s from Lomas de Zamora on the outskirts of Buenos Aires but we’re not going to say his name,” rebelasyon ni Varela.
Samantala, naiuwi na sa Britain ang labi ni Liam nitong nagdaang Lunes, November 4.
Nakatakda ang funeral service para sa namayapang singer sa St. Peter’s Collegiate Church sa Wolverhampton, West Midlands, bukas, November 8. Inaasahang dadagsa roon ang mga supporters ni Liam para magluksa at makiramay.
Nananawagan din ang fans ng One Direction member na maipagpatayo sana siya ng monumento sa Wolverhampton bilang pagkilala at pagbibigay-pugay sa yumaong singer.