PBBM nag-congratulate kay Trump, umaasa sa pagpapalakas ng PH-US ties

PBBM nag-congratulate kay Trump, umaasa sa pagpapalakas ng PH-US ties

President Bongbong US President Marcos, Donald Trump

NAGPAABOT ng pagbati si Pangulong Bongbong Marcos para sa pagkapanalo ni US President Donald Trump sa 2024 presidential elections.

Inamin ni Pangulong Bongbong na looking forward siyang makatrabaho ang re-elected president pagdating sa iba’t-ibang isyu na kinakaharap sa pagitan ng Pilipinas at US.

“President Trump has won, and the American people triumphed, and I congratulate them for their victory in an exercise which showed the world the strength of American values,” mensahe ni Mr. Marcos sa isang pahayag.

Dagdag niya, “We look forward to working with President Trump on a wide range of issues that will yield mutual benefits to two nations with deep ties, shared beliefs, common vision, and a long history of working together.”

Sey pa niya, “I am hopeful that this unshakeable alliance, tested in war and peace, will be a force of good that will blaze a path of prosperity and amity in the region and on both sides of the Pacific.”

Baka Bet Mo: PBBM sa tangkang ‘assassination’ kay Donald Trump: ‘We condemn violence’

Bukod diyan, ipinangako ni Pangulong Bongbong ang “durable partnership” ng dalawang bansa dahil sa parehong layunin na pagkakaroon ng kalayaan at demokrasya.

“I have personally met President Trump as a young man, so I know that his robust leadership will result in a better future for all of us. Congratulations, President Trump!,” ani pa ni PBBM.

Si Trump ang 45th president ng Amerika at ito ang ikalawang beses na siya ang nanalo sa eleksyon.

Kung matatandaan, ang unang panalo ni Trump sa presidential race ay noong 2016 at ang natalo niya riyan ay si Hillary Clinton.

Muling tumakbo ang business tycoon noong 2020, ngunit siya ay natalo naman ni Joe Biden.

Ngayong taon ay muli siyang sumubok at natalo niya ang Democrat na si Kamala Harris.

Read more...