USAP-USAPAN ngayon sa social media ang latest photo ng dating engaged couple na sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Kapamilya hunk actor na si Sam Milby.
Nalungkot at naging emosyonal ang supporters nina Sam at Catriona nang makitang magkasama ang mag-ex sa loob ng eroplano pero magkahiwalay ng upuan.
Nag-post ang Cornerstone Entertainment sa Instagram ng mga litrato kung saan makikita ang halos lahat ng kanilang talents kabilang na nga sina Sam, Catriona, Piolo Pascual at John Prats.
Ang nakalagay sa caption ng post ay, “Hey Canada, you’re in for a treat! #CornerstoneAllStarCanada #CornerstoneConcerts.”
Baka Bet Mo: Hugot ni Catriona ngayong b-day ni Sam: So sad I can’t be with you today
Kapansin-pansin sa mga litrato na hindi magkatabi sa upuan sina Catriona at Sam kaya naman napa-react ang mga netizens, kabilang na ang kanilang mga supporters na umaasa pa rin na magkakabalikan pa ang dating magdyowa.
Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments mula sa IG post ng Cornerstone.
“Di na sila magkatabi sa seats catsam.”
“At least they’re still friends. yan ang maganda sa mga mag ex. hindi yong nag sisiraan at naging magkaaway sa huli hehe.”
“Nakakasad lang CatSam no more, their US concert last year was a huge success with of course konting kilig from CatSam (broken heart emoji) Moving on….for sure my fellow Filcans will have a blast with this CS all star concert and for Sam’s solo performance this time.”
“All of a sudden no more catsam.”
“I think sam and cat is personally something a big problem.”
Nag-propose si Sam kay Catriona noong February, 2023 at naghiwalay makalipas ang ilang buwan. February 28, 2024 nang maglabas ng official statement ang Cornerstone na may pinagdaraanang pagsubok ang relasyon nina Catriona at Sam.
“We at Cornerstone, as the talent management agency representing artists Sam Milby and Catriona Gray, would like to address the recent rumors surrounding their relationship.
“While it is true that Sam and Catriona are currently facing some challenges in their relationship, they are actively working on resolving these issues together.
“We kindly request that everyone respect their privacy during this time as they navigate through this situation.
“We appreciate the concern and well-wishes from all those who have shown support for the couple,” ang nakasaad sa statement.
Until now ay hindi pa nagsasalita sina Sam at Cat kung ano talaga ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Pero ang lumabas na balita, na-realize raw ni Sam na hindi pa pala siya handang pakasalan si Catriona.