PANGARAP ng leader ng BINI na si Jhoanna Robles na maka-collab sa isang acting project ang Box-office Queen na si Kathryn Bernardo.
Idol na idol ni BINI Jho ang tinaguriang Multimedia Star ng bagong henerasyon na naging inspirasyon daw niya mula pa noong nagsisimula pa lamang siyang mangarap.
Sa panayam ng ABS-CBN kay Jho ay naikuwento niya ang short stint niya noon sa larangan pag-arte bago pa siya makilala bilang member ng BINI.
Inalala niya ang naging acting experience niya sa hit Kapamilya afternoon drama na “Kadenang Ginto” na pinagbidahan nina Kyle Echarri, Andrea Brillantes, Seth Fedelin at Francine Diaz.
Baka Bet Mo: Ate Vi game na game maka-collab sa vlog sina Ate Guy, Sharon, Maricel; gusto ring makatrabaho si Dolly de Leon
“Na-miss ko lang ‘yung taping days noon. Though, saglit lang po ako nun. Before pa po iyon ng Star Hunt auditions. Akala po kasi ng iba na part ‘yun ng audition ko, kung paano ako nakasama sa grupo,” ang pahayag ni BINI Jho sa naturang panayam.
Dagdag pa niya, “Gusto kong gawin ‘yung first love ko, ‘yung acting po. Iba ‘yung ano ng puso ko sa acting po. Pero alam kong marami pa po akong kailangang matutunan doon.”
At kung mabibigyan daw siya ng pagkakataon na makaarte uli sa harap ng camera, ang dream collab niya ay, “With Kathryn Bernardo po.
“Malaking part kung sino ako ngayon si Ate Kath. Parang pagkabata ko, sa kanya umikot mundo ko. Ultimo commercials niya, saulo ko,” pagmamalaki pa ng dalaga.
Pagdating naman sa pagkanta at pagpe-perform, wish niya na maka-collab ang pop rock singer na si Yeng Constantino, “Yung range ng boses niya, doon ako very relaxed. Ang angas po kasi!”
Samantala, natanong din si BINI Jho kung mahirap at super challenging ba ang maging leader ng pinakasikat na P-pop female group sa bansa.
“Honestly, hindi po. Lahat po kami may qualities ng pagiging leader. Although may mga times po na ako po talaga ‘yung titimbang. Siyempre, half ng group ganito ang gusto, kalahati eto, doon ako nahihirapan.
“Minsan naman, ako lang ‘yung naiiba ‘yung opinion, tapos sila ganito,” aniya.
Sa pagkakataong nagkakaroon sila ng diskusyon bilang grupo, “Mine-message ko talaga ‘yung thoughts ko, kahit alam nilang majority wins ‘yung rule namin as a group, para lang alam nila.”
“Very important po talaga ‘yung communication po, kasi gets ko din yung hirap for them to accept guidance sa younger sa kanila,” paliwanag ni Jho.
Abangers na ang fans ng BINI sa kanilang next “Grand BINIverse” concert sa Araneta Coliseum ngayong November kaya naman todo na naman ang kanilang paghahanda.
Pagkatapos nito ay mapapahinga na sila for their Christmas break. Sey ni Jho looking forward na siyang umuwi sa bahay ng kanyang pamilya sa Laguna.
“Christmas po ‘yung last uwi ko. Nung Pasko po siyempre, hindi pa ganito (status ng BINI). So parang ako naku-curious ako, paano kaya kung umuwi ako?” ang sey pa niya sa naturang interview.