Pokwang hugot na hugot: Sa amin dati, kami ‘yung pinakawalang-wala!

Pokwang hugot na hugot: Sa amin dati kami 'yung pinakawalang-wala!

Pokwang

KAHIT naging mahirap para sa kanya ang buhay noong kanyang kabataan, never nagtanim ng galit o tampo si Pokwang sa kanyang mga magulang.

Parang kuwento sa teleserye ang life story ng Kapuso TV host-comedienne lalo na ang kanyang childhood na inilarawan niyang super challenging.

Si Pokey ang naging special guest sa “Lutong Bahay” ng GTV hosted by Kapuso actress Mikee Quintos kasama si Kuya Dudut ng Team Payaman. Personal nilang binisita ang bahay ni Pokwang.

Ayon sa komedyana, pangarap niya noon ang maging flight stewardess pero hindi niya ito naisakatuparan dahil sa hirap ng kanilang buhay.

Baka Bet Mo: Pokwang nawindang sa mga ‘madaling makalimot’, bilib sa mga taong pinapahalagahan ang boto

Dahil dito, isinantabi muna niya ang kanyang ultimate dream para makatulong sa pangangailangan ng pamilya. Naging dancer siya sa TV at nagtrabaho rin bilang choreographer sa Japan.


Tinanong siya ni Mikee kung paano niya kinaya ang mga hamon ng buhay at ano ang naging motivation niya para malagpasan ang mga pagsubok, “Nanay ko, mga kapatid ko, mga anak ko, pamilya ko, kasi sa lugar namin dati, kami ‘yung pinakawalang-wala.”

Aniya pa, “There are times na natutulog kami na walang pagkain, papasok sa school na walang baon. Pero sa kabila ng lahat, hindi ako nagtanim ng galit sa mga magulang ko. ‘Yung pangarap kong buhay para sa kanila, naibigay ko.”

Sa isang bahagi ng programa, binigyan ni Mikee si Pokey ng salamin para tanungin kung ano ang ibibigay niyang mensahe para sa kanyang younger self.

“Batang Marietta, maghanda ka marami kang pagdadaanan, maging matatag ka, pero don’t worry kasi dahil sa mga dasal mo, malalampasan mo lahat,” ani Pokey.

Sa huli, ipinakita naman ang picture ng anak ni Pokwang na si Malia at hiningan ang komedyana ng message para sa bagets.

Dito na napaiyak si Pokey, at nag-dialogue pa kung bakit sila nag-iiyakan sa halip na magluto at lumafang lamang.

“I’m your wind beneath your wings and I want you to finish your studies. I love you,” sey ni Pokwang.

Read more...