NATUTUWA si Rannie Raymundo sa producer nilang si Dr. Michael Raymond Aragon dahil sa Manila lang ang shooting ng online series nilang “WPS” o “West Philippine Sea” at naka-lock in pa sila.
Puwede naman kasing mag-uwian ang cast ng “WPS” sa pangunguna ni Rannie kasama sina Daiana Menezes, Ali Forbes, Ayanna Misola, Massimo Scofield, Lance Rymundo, AJ Raval, Aljur Abrenica at iba pa.
“’Explain ko bakit locked in. Ni-lock in kami ng aming producer hindi dahil gusto niya kaming ikulong para hindi kami mahirapang umuwi, puwede kaming umuwi anytime namin gusto.
“Pero just to be comfortable baka mahirapan kaming umuwi dahil late na natatapos (ang shooting) tapos maagang babalik kaya he booked a hotel for us. We can go home pero ganu’n niya kami inalagaan,” kuwento ni Rannie sa ilang press people na imbitado sa “WPS” premiere night and concert na ginanap sa Maynila Ballroom ng Manila Hotel.
Sa nasabing premiere night ay napakinggan namin ang original theme song ng “WPS” na “Akin Ka” mula sa tinig ni Lady Chatterly Alvaro Sumbeling na sundalo ng Philippine Navy.
Napanood namin ang dalawang episode ng “WPS” na establishing story pa lang at sa mga gustong manood nito ay kasalukuyan na itong umeere sa Viva One, DZRH Television at DZRH Radio.
Going back to Rannie, ang saya ng samahan nila sa “WPS” dahil puro sila tawanan at biruan through chat kapag walang shoot.
May plano rin pala ang singer-actor na mag-produce ng show kasama sina Daiana, Chare Romero, Ali Forbes at siyempre ang kapatid niyang si Lance.
Masaya ring inalala ni Rannie ang panahong kaliwa’t kanan ang concert at gigs niya noong kanyang kabataan at nakaipon daw siya ng panty na inihahagis sa kanya ng mga babaeng fans.
Si Rannie kasi ang tinaguriang “makalaglag panty” kapag nagpe-perform sa lakas ng appeal nito sa stage.
May nagtanong kung bago ba o gamit na ang nasabing mga panty na inihahagis sa kanya ng mga girl mula sa audience, “Alam mo hindi ko naman tsine-check,” tumawang sagot ng singer.
Pilyang tanong ni Daiana kung inamoy na ni Rannie ang mga panty, “Why would I do that? Pero dati akala ko panyo, so, dinampot ko tapos nakapa ko, iba ‘yung texture, so alam ko na!”
At dahil tinanong ni Daiana kung inamoy ng co-actor niya sa “WPS” ang mga panty ay natanong naman siya kung willing siyang maghagis ng panty kapag nanood ng gig ni Rannie.
“Ay, grabe!” nagulat na sagot ng singer-actress at influencer.
“Hindi talo si Daiana, kapatid namin ito, eh,” salo naman ni Rannie.
Sa rami ng naghagis kay Rannie ng underwear ay napuno raw ‘yung box na lagayan niya ng gitara.
Anyway, ang “WPS” ay mula sa direksyon ni Karlo Montero and produced by Dr. Michael Raymond Aragon ng KSMBPI.