“THIS is gonna be forever hangga’t may lakas ka, hangga’t gusto mo pa dire-diretso ito, walang hintuan!” ang sabi ni Ms. Cory Vidanes kay Vice Ganda sa nakaraang 15th anniversary ng “It’s Showtime.”
Naikuwento ito ni Vice sa dati niyang manager na si Ogie Diaz sa “Showbiz Update” kasama si Mama Loi na mapapanood sa YouTube. Si Ms. Cory ang Chief Operating Officer ng ABS-CBN Corporation.
Dagdag kuwento pa ni Vice kay Ogie, “Nagpunta siya sa dressing room at ang wish ko sana hindi ka magkakasakit, hindi ka magsasawa, hindi ka susuko kasi hangga’t hindi ka sumusuko dire-diretso ‘to kaya matagal pa po tayong magsasama, pagtitiisan n’yo pa po ako. Ha-hahahaha!”
Sa nasabing tsikahan nina Vice at Ogie ay binalikan ng una ang pagsisimula niya sa “It’s Showtime” 15 years ago.
Say ni Mama Loi, “Sino raw ba mag-aakala na aabot sila ng 15 years? E, noon daw ay may sinasabi siya sa ‘yo?”
Baka Bet Mo: Vice Ganda sa pagsabak sa politika: Gusto ko presidente agad!
“Nu’ng mina-manage ko pa si Vice Ganda taong 2006 hanggang 2011 at nagsisimula pa lang ‘yung It’s Showtime ay mayroong sinasabi si Vice, ito (panoorin n’yo ang video)” sambit naman ni Ogie.
“Di ba nga nagsisimula pa lang ‘yan ano bang sabi ko sa ‘yo (kay Ogie) ‘di naman magtatagal ‘yan parang perya! Di ba sabi ko sa’yo? Mamang parang hindi naman magtatagal parang perya,” sabi ni Vice kay Ogie.
Dinig na dinig ang tawa ni Ogie sa video habang katsikahan si Vice sa huli nilang pag-uusap.
“Tapos sabi mo (Ogie), ‘okay lang isang season lang naman ‘yan raketin mo na di ba? Raketin na natin saying ‘yung exposure! Who would ever thought di ba, na 15 years na?” balik-tanaw ni Vice.
Hayan sa mga dati-rating isyung bakit si Vice ang nasusunod sa mga nangyayari sa programang pangtanghali ng Kapamilya Channel at bakit may karapatan siyang magbida-bida, e, dahil sa TV host-actor kaya may “It’s Showtime.”