Anak nina Iya at Drew na-feel na girl ang next baby sister, tinawag na Amethyst

Anak nina Iya at Drew na-feel na girl ang next baby sister, tinawag na Amethyst

KINAKARIR ng Kapuso TV host-actress na si Iya Villania ang pagpapalakas at pagpapakundisyon ng katawan para sa kanyang pamilya.

Aminado si Iya na matinding challenge para sa kanila ng asawang si Drew Arellano ang pagtataguyod sa kanilang mga anak na very soon ay magiging lima na.

Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan sa anchor ng “Chika Minute”, nagkuwento si Iya tungkol sa pagiging wifey at mommy ng apat at kung paano niya mine-maintain ang pagiging fit and healthy.

“I think, Tito Boy, malaking bagay na I’m healthy and fit because then I am able for my family and it allows me to be with my children, do things with my children, do things for my children and my family,” pahayag ng Kapuso star.

Sey pa ni Iya, mas marami siyang nagagawa bilang ilaw ng tahanan at working mom dahil sa kanyang energy mula umaga hanggang gabi.

Baka Bet Mo: Iya umaming siya ang gumawa ng first move para maging dyowa si Drew: But he got turned off…

“At saka mas may pasensya ka, mas may endurance ka, mas masasamahan mo sila sa mga trip nila,” pagse-share pa ng TV host.

Natanong din ni Tito Boy ang tungkol sa ipinagbubuntis ngayon ni Iya, ang ikalimang anak nila ni Drew. Sey ng TV host, wala pa raw pangalan ang kanilang baby girl.

First week ng February ang due date ng  panganganak ni Iya, “Which is why I really need to stay fit and healthy because I need to be able for my family.”

Sa isang interview kay Iya sinabi nitong noong hindi pa nila alam ang gender ng kanilang baby, naichika niya ang sinabi sa kanya ng panganay na anak na si Primo na feeling daw nito ay babae ang nasa laman ng kanyang tummy.

Nag-suggest pa raw ang bagets na pangalanang Amethyst ang kanyang magiging baby sister.

“Ayoko pang i-confirm, but feeling niya. Bina-vibe niya na it’s a girl, so Amethyst ‘yung gusto niya i-contribute na pangalan sa list of names namin,” kuwento ni Iya.

Read more...