Bea kinampihan ng fans sa Lyle Menendrez costume: Daming perfect!

Bea kinampihan ng fans sa Lyle Menendrez costume: Daming perfect!

Bea Alonzo

NAGTALAKAN at nagbardagulan ang mga netizens tungkol sa kontrobersyal na Holloween costume ng Kapuso actress na si Bea Alonzo.

Hanggang ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan ng mga Marites ang paandar na Holloween post ni Bea na mabilis din niyang binura matapos banatan ng mga bashers.

Iba-iba ang naging reaksyon ng kanyang social media followers nang bumandera  ang mga photos niya bilang si Lyle Menendrez, ang kilalang convicted murderer sa California, USA.

Sey ni Bea sa caption ng deleted na niyang iG post, “Call me Lyle. #Halloween2024.”

Sa mga hindi pa aware, si Lyle at ang kapatid niyang si Erik Menendez ay umamin sa korte na noong 1989, ay bumili sila ng shotgun at pinagbabaril ang kanilang mga magulang na sina Jose at Kitty Menendez, sa loob ng bahay nila sa Beverly Hills.

Baka Bet Mo: Enrique pinaka-favorite holiday ang Holloween: Batang horror ako

Binatikos ng netizens si Bea lalo na ang litrato niyang may hawak pang shotgun. Comment ng ilan niyang followers, baka raw binura agad ng aktres ang kanyang post dahil na-call out siya ng kanyang mga endorsements.

May nagbanggit pa kay Jeffrey Lionel Dahmer, isang American serial killer at sex offender na pumatay at nag-dismember ng 17 kalalakihan mula 1978 hanggang 1991.


“Bad for her hindi pinag isipan ang idea, Hindi naman talaga dapat ginagaya un ganun character like Dahmer. Hindi sila dapat ginagawang for fun. Lesson learned na rin sa knya ito. Yun nga lang, habang buhay na yun pics sa sa social media, puro lait n nga siya sa reddit eh,” sabi ng netizen.

Narito ang mga nabasa comments sa official Facebook page ng BANDERA.

“Sa damidami ng fictional characters sa mundo, dun ka pa sa based on true story naginspire.ndi kacostume costume ang pinagdaanan nila.”

“Daming perfect ah abay ayos.”

“Ang gusto lang naman nya maging kill3r anu ba naman kayo.”

“Expressing her self. Charrr.”

“Wala naman masama jan, bagay pa nga eh.”

“Ano b nman kau lahat nlng nkkita nyo ky bea ang mali d nyo b alm lahat n nkkita nyo ntama s inyo. ang ganda nga e bagay s kanya noh.”

“She’s been portraying an abuse character, but also hindi. his not a fiction.”

“Ngayon KO Lang napansin na medyo may pagka Hailey Bieber Pala siya.”

“How inappropriate. She’s being dressed up as a man who has been sexually assaulted in real life.”

“Wow DOUBLE STANDARDS?! HINDI po fictional an MUKHA ng KAMATAYAN at DEMONYO sa mga costume ng mga HIPOKRITO.”

Habang isinusulat namin ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na pahayag si Bea hinggil sa isyu.

Read more...