Tote bag ng BINI inokray: Mas maganda pa yung ginamit sa ayuda ni Mayor

Tote bag ng BINI inokray: Mas maganda pa yung ginamit sa ayuda ni Mayor

BINI Maloi (Photo from Facebook)

NILAIT-LAIT ng mga netizen ang latest merchandise ng super P-Pop group na BINI, ang tote bag na wala raw kadating-dating at mukhang tsipangga.

Grabe ang natanggap na pang-ookray ng naturang bag na ipinakita ni BINI Maloi sa pamamagitan ng isang video kung saan nga niya ito ineendorso.

Makikita sa Facebook page na may pangalang “Mga bagay na magpapanatili sa iyong mabuhay” ang nasabing video ni BINI Maloi Ricalde bitbit ang naturang bag.

Ang bag ay kulay black na may sky blue strap na inspired ng logo ng BINI. Sey ni Maloi tungol sa naturang merchandise, “huge, functional, sturdy, and pang-porma.”

Baka Bet Mo: BINI Maloi nag-alala nang todo sa pamilyang sinalanta ni Kristine

“If you get this you’ll be BINIfied. May bag na ako na pang-ukay yehey,” ang nakalagay naman sa caption ng video.


Narito ang ilang reaksyon ng netizens nang mapanood ang video ni Maloi at ng hawak nitong tote bag.

“Blink twice maloi if napilitan ka ipromote yan.”

“Kahit libre di ko kunin yan e.”

“Mas maganda pa bag ng Mr.DIY eh hahaha.”

“Pang porma. Eh lagayan lang ng gulay yan pag namalengke.”

“Fan ako ng Bini pero sa totoo lang mas maganda pa bag ng ayuda binigay ni mayor Arlene dito sa laguna.

“Canvas fabric man lang sana. Para pwede rin idesign yung front and back. Kakabili ko lang 60php lang isang yarda pwede ka na makatahi ng isa nyan.”

“Parang nirecycle na sako lang.”

“Iloveyou BINI but sorry! you really deserve a Good designer. Ang mahal ng ticket at merch niyo pero ang panget talaga ng mga design ng merch.”

“Blink twice if u need help.”

“THEY SET HER UP SO BAD.”

“I love Maloi but even she can’t convince me to buy this literal garbage of a product.”

In fairness, may nagtanggol din naman sa BINI at nagsabing huwag daw bumili kung ayaw pero tigilan na ang panlalait sa grupo lalo na kay Maloi dahil ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho.

Wala pang official statement ang BINI at ang Star Magic hinggil sa pagpuna sa nasabing bag. Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag ng grupo.

Read more...