Ate Vi keribels pang mag-promote ng ‘Uninvited’ bago mangampanya

Ate Vi keribels pang mag-promote ng 'Uninvited' bago mangampanya

Vilma Santos

INASALTO si dating Batangas Gov. Vilma Santos-Recto ng kanyang pamilya, mga kaibigan at staff ng Talino at Puso bago maghatinggabi kanina para sa kanyang 71st birthday ngayong araw, Nobyembre 3.

Ginanap ito sa bahay nina Ate Vi sa Batangas at ipinost niya ang video sa kanyang Facebook account kung saan may picture taking pa at pinasalamatan  ang naging punong abala sa asalto.

“Say One Batangas” ang sabi ng kumukuha ng video na slogan ng nasabing lalawigan.

Nakita namin sa video ang kakandidatong kongresista sa 6th District ng Batangas na si Ryan Christian Santos Recto at hindi naman namin nakita si Luis Manzano na kumakandidato bilang Bise Gobernador at tandem sila ng nanay niyang si Ate Vi.

Baka Bet Mo: Ate Vi, Aga, Nadine ‘bardagulan’ sa MMFF 2024 entry na ‘Uninvited’

May tumapat na camera kay Ms. Vilma sabay sabing, “I’m Uninvited (sa party).”

Hanggang sa isa-isa nang tinapatan ng kamera ang mga bisita ng Star for all Seasons at tinatanong isa-isa kung “invited o uninvited” ang mga ito sa party niya at lahat naman ay “uninvited” ang sagot.

Magandang promo ito sa pelikula ni Ate Vi na “Uninvited” na kasama sa 50th Metro Manila Film Festival na mapapanood simula sa December 25 hanggang January 7, 2025.

Kaya naman puwede pang mag-promote to the max ang aktres dahil sa Pebrero pa naman bawal mapanood sa TV o sa ibang online shows ang lahat ng kumakandidato sa anumang posisyon sa gobyerno.

Tinutukan din ng kamera si Ryan Christian na nagulat pa nagsabing “Uninvited” din sa asalto at maging ang Ate Emelyn Santos ng aktres-politico.


Hindi rin nakaligtas ang staff ng nag-cater sa party ni Ate Vi dahil nilapitan sila nito at sabay-sabay daw sila sa sagot nilang “Uninvited.”

Sabi ni Ate Vi, “This is a get together hinanda nila pa-surprise for me, so, even medyo I’m under the weather I’m very happy dahil may family get together.

“Thank you sa mga bumati maraming salamat, I love You all at sa mga nakaalala. Thank you Lord for the blessings,” aniya pa.

Read more...