STRUGGLE is real para kay Miss Universe Philippines 2012 Janine Tugonon ang pagbe-breastfeed sa panganay niyang anak.
Pag-amin pa nga ng first time mom sa isang social media post, mas mahirap pa ito kaysa sa kanyang pagbubuntis at panganganak!
Sa Instagram Story, ibinandera ni Janine ang kanyang selfie na hagip sa kanyang likuran ang crib ng kanyang baby.
Ang bungad niya sa caption, “‘Sup eyebags? Kaya pa, teh?”
Sey niya, “Not gonna lie, I underestimated breastfeeding.”
Baka Bet Mo: Angelica Panganiban muntik nang sukuan ang pagbe-breastfeed: But… ito rin ang pinaka fulfilling sa lahat
“For me, it was more difficult than the pregnancy, the CS and CS recovery,” wika pa niya.
Magugunitang last week lamang nang manganak si Janine sa first baby nila ng kanyang French partner.
Hindi rin naman nagtagal ay agad din siyang bumalik sa pagwo-workout na kung saan ay ipinakita pa niya ang paglalakad niya sa treadmill.
Diyan niya ni-reveal na nanganak siya sa pamamagitan ng Cesarean section (CS).
“Taking it slow lang. Walking is good for circulation daw,” wika niya.
Noong Hunyo nitong taon nang inanunsyo ng beauty queen ang kanyang pagdadalang-tao.
Para sa mga hindi aware, si Janine ang itinanghal na first runner-up nang lumaban sa Miss Universe 2012 pageant na kung saan ang top winner ay nakuha ni Olivia Culpo na pambato ng United States.