Andrea dedma sa Halloween 2024: ‘Literal na igo-ghost ko kayo!’

Andrea dedma sa Halloween 2024: ‘Literal na igo-ghost ko kayo!’

PHOTO: Instagram/@blythe

TILA hindi nakumpleto ang Halloween ng ilang followers at fans ni Andrea Brillantes.

Wala kasing hinandang pasabog ang young actress para sa taong ito.

Sa Instagram, ipinakita ni Andrea ang kanyang selfie video at ibinunyag na marami ang nagtatanong sa kanya para sa inihanda niyang costume for this year.

Ilan lamang sa mga natanggap niyang mensahe ay: “Ano pasabog mo this year?” “See you sa Halloween party?” “Excited na ako sa costume mo!”

Ang biting sagot naman diyan ng young actress, “It might seem crazy what I’m about to say…”

Baka Bet Mo: TINGNAN: Ilang Celebs pasabog sa Halloween costumes ngayong 2024

At kasunod niyan ang Instagram Stories na sinabing hindi siya naghanda ng scary costume. 

“So ang pasabog at pinaka-scariest costume ko ay…Wala,” wika niya sa post. 

Sambit pa ni Andrea, “Literal na igo-ghost ko kayo.”

“Wala akong pasabog this year, out of the country ako right now [smiling face with hearts emoji],” paliwanag niya.

PHOTO: Instagram Stories/@blythe 

Magugunitang binansagan si Andrea bilang “Queen of Halloween” dahil talaga namang kaabang-abang ang mga pasabog at bongga niyang costumes tuwing sasapit ang Spooky Season.

Katulad last year, ibang level ang mga ibinandera niyang Halloween looks –mula sa pagiging Lilith, ang unang asawa ni Adam na pinalayas sa Garden of Eden, manananggal, hanggang sa pagiging Regina George ng pelikulang “Mean Girls.” 

Sa mga nakaraang taon, ilan lamang sa mga costumes na tumatak sa marami ay ‘yung nag-ala La Muerte siya mula sa animated film na “Book of Life,” at ang paggaya niya sa karakter na si Beth Harmon ng hit series na “The Queen’s Gambit.”

Read more...