NANANATILING tikom ang bibig ng Kapuso actor na si Archie Alemania sa kasong acts of lasciviousness na isinampa laban sa kanya ni Rita Daniela.
Kahit ang asawa ng komedyante na si Gee Canlas ay hindi pa rin naglalabas ng kanyang saloobin hinggil sa umano’y pambabastos at pangmamanyak ng aktor kay Rita.
Kaya naman habang hindi nagsasalita si Archie tungkol sa akusasyon sa kanya ng co-star sa Kapuso series na “Widows’ War”, maraming netizens ang kumuyog sa kanya sa social media.
Sa isang Instagram post ni Archie, makikita ang mga litrato na kuha sa pa-thanksgiving party ni Bea Alonzo na ginanap sa kanyang bahay noong September 9.
Baka Bet Mo: Gloria Diaz tuwang-tuwa sa bagong ‘toy’: Oh, it vibrates very fine and then faster…faster! Grabe!
Tumutugma ito sa petsang inilagay ni Rita sa sinumpaaan niyang salaysay na kanyang inihain sa Prosecutor’s Office sa Bacoor, Cavite, kung kailan naganap ang pambabastos sa kanya ni Archie.
“That being a public figure, a contractual artist with reputation to protect, it is very difficult for me to file the instant case but the trauma I was and am experiencing brought about by the incident gave me courage to face the consequences and file the instant case against the respondent,” pahayag ni Rita sa kanyang complaint affidavit.
Sa pag-check namin sa naturang IG post ni Archie ay naka-turn off na ang comment section dito.
Kaya ang ginawa ng mga netizen ay nagkomento na lang sa ibang IG post ng komedyante kung saan kinondena nila ang umano’y pambabastos nito kay Rita.
Sa Facebook page naman ng aktor makikita ang huli niyang post ay noon pang October 27 kung saan binati niya ang asawang si Gee sa kanilang 6th anniversary.
Nag-thank you ang aktor kay Gee sa iniregalo sa kanyang three pairs of shoes, “What a way to end our 6th year anniversary day with the wifey surprising me with shoes… not just 1, 2 but 3 pairs!!!
“Mas lalo na kitang mahal hahaha dali mko pinakilig hahaha Happy 6th year anniversary and to many more ILY,” ang mensahe ni Archie para sa kanyang wifey.
Narito ang mga nabasa naming reaksyon ng mga netizens sa umano’y pambabastos ni Archie kay Rita.
“Pre kumusta muna sexual assault allegations sayo? Hahaha!”
“Palit kana apelyido, Archie Alemanyak.”
“Andito ko dahil sa napanood ko sa news.”
“Andito Ako Kasi napa search Ako about sa knya dahil viral sya sa news haha.”
“L na L HAHAHA may asawa nman pala.”
Walang sinagot si Archie ni isa sa mga nag-post ng comment sa kanyang Facebook at IG. Kahit ang misis niyang si Gee ay tila dedma sa pangnenega at pang-ookray ng mga netizens.