Dyowa ni Anthony Jennings may patama sa ‘cheater’, ‘workmate’

Dyowa ni Anthony Jennings may patama sa 'cheater', 'workmate'

TILA may pinapasaringan ang non-showbiz girlfriend ni Anthony Jennings na si Jam Villanueva patungkol sa “ex-boyfriend” at “workmate” na lumagpas sa kanilang boundary.

Nitong Biyernes, November 1, isang tanong mula sa netizen ang sinagot ng dalaga.

“Sis, bakit ‘yung galit mo parang kay Ate Girl lang? ‘Di ba dapat mas galit ka sa ex mo? Char,” tanong ng netizen sa dyowa ni Anthony.

Matapang naman itong sinagot ng dalaga ngunit wala itong pangalang binanggit kung sino ang kanyang pinatutungkulan.

Baka Bet Mo: Anthony Jennings hiwalay na raw sa non-showbiz GF; ipinalit si Maris?

“Honey, do you even read what I’m saying [in my Stories] about men who cheat? Or maybe you just wanna take and absorb lang what you can and ano ‘yung pasok sa tolerance niyo?” panimula ni Anthony.

Pagpapatuloy pa niya, “They are just the same, the one who cheated and the one who tells and do inappropriate things to her workmate na ‘di naman kasama sa trabaho.”

Sey pa ng dyowa ni Anthony, nirerespeto niya ang trabaho at industriyang kinabibilangan ng kanyang “ex” at ng “workmate” nito.

“I know the boundaries, and they completely went beyond that,” giit niya.

Matatandaang noong Setyembre ay nagsimula ang bulung-bulungan na tila hiwalay na sina Jam at Anthony.

Ito ay matapos mapansin ng mga netizens ang mga social media posts ni Jam patungkol sa heartbreaks at betrayal.

Ang iba naman ay idinadawit anv pangalan ng ka-love team ni Anthony na si Maris Racal bilang rason sa umano’y break up ng dalawa.

Sa kabila ng mga bulung-bulungan ay wala pa namang inilalabas na kumpirmasyon ang dalawa kung totoo bang hiwalay na sila.

Read more...