TINGNAN: Ilang Celebs pasabog sa Halloween costumes ngayong 2024

TINGNAN: Ilang Celebs pasabog sa Halloween costumes ngayong 2024

Catriona Gray, Cassy Legaspi, Kyline Alcantara, Michelle Dee, Rhian Ramos

KANYA-KANYANG pasabog sa Halloween costumes ang ilang sikat na celebrities at personalidad ngayong taong 2024!

Karamihan sa kanila, todo flex pa nga sa kanilang social media upang ibandera ang bonggang look.

Gonzaga sisters

Bilang sina Elphaba at Glinda mula sa hit musical na “Wicked” ang peg ng magkapatid na sina Alex at Toni Gonzaga.

Ang pang-aasar na caption pa ni Alex sa social media post, “Salamat [Toni] pumayag ka maging si shrek [laughing emoji].”

Cassy Legaspi

Marami ang napa-wow sa Halloween post ni Cassy Legaspi na kung saan ang kanyang costume ay inspired sa karakter ni Alwina mula sa TV series na “Mulawin.”

Baka Bet Mo: Halloween 2024: 12 makatindig balahibo na ‘Urban Legends’ sa Pilipinas

Rhian Ramos

Namangha naman ang fans sa stunning transformation ni Rhian Ramos na naging “carbon copy” ng sikat na pop superstar na si Taylor Swift!

Ang kanyang inspirasyon ay mula sa Eras Tour ng international singer-songwriter.

Sey ng aktres sa kanyang behind-the-scenes post, “We had so much fun fangirling the whole time [smiling face emojis].”

Michelle Dee

Siyempre, hindi naman nagpahuli ang bestfriend ni Rhian na si Michelle Dee na nag-ala Beyoncé!

Kuhang-kuha ng Miss Universe Philippines 2023 ang posing ng Queen B sa “Renaissance Tour.”

Ang bansag pa niya sa sarili ay bilang si “DEEYONCÉ!”

Jayda

Kakaibang atake ang singer-actress na si Jayda ngayong Halloween Season dahil nagbigay-pugay siya sa kanyang ina at batikang singer na si Jessa Zaragoza.

Talagang pinatunayan ng young singer na siya ang “mini me” ng iconic singer –bukod kasi na pareho silang magaling kumanta ay magkamukha rin talaga ang mag-ina.

“I thought it was only fair to pay tribute to the first icon I’ve ever known; my Mama or as people know her, the Phenomenal Diva: Jessa Zaragoza,” lahad niya sa bahagi ng post.

Naikwento rin niya na naging espesyal ang shoot dahil nagawa niyang suotin ang exact replicas ng mga damit ng kanyang ina mula sa most iconic album nito.

Intal family

Super cute ang ibinanderang costume ng TV host na si Bianca Gonzales-Intal kasama ang kanyang pamilya.

Ang kanilang pasabog ay inspired sa mga karakter ng animated film na “Inside Out 2.”

“We’re making space for new emotions in our family [random emojis],” sey ni Bianca sa IG.

Baka Bet Mo: Undas 2024: 7 paalala para sa ligtas na pagdalaw sa sementeryo

Kyline Alcantara

Kinarir din ng Kapuso actress na si Kyline Alcantara ang kanyang scary costume.

Ang kanyang peg ay isa sa sikat na urban legends sa Pilipinas –ang Mangbabarang!

Kitang-kita sa pictures na todo effort ang aktres hindi lang sa kanyang costume, kundi pati na rin sa kanyang makeup at backdrop design na may pa-apoy pa.

Catriona Gray

Pak na pak naman sa pagiging angelic look si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Ang kanyang costume, mala-anghel o kaya ay mala-Victoria’s Secret Angel model!

Ang caption pa niya sa IG post, “Just call me angel baby [angel emoji].”

Pagbati pa niya sa madlang pipol, “Have a heavenly #Halloween2024 everyone!”

Read more...