Anne Curtis dismayado sa budget allocation ng gobyerno: Sakit sa heart

Anne Curtis dismayado sa budget allocation ng gobyerno: Sakit sa heart

MATAPANG na naglabas ng saloobin ang TV host-actress na si Anne Curtis patungkol sa paggamit ng budget ng mga ahensya ng gobyerno.

Sa kanyang X (dating Twitter) ay ni-repost nita ang isang video clip ng panayam sa University of the Philippines (UP) associate professor na si Cielo Magno ukol sa budget allocation process lalo na sa senado at sa kongreso.

“ANG laki laki ng budget Nila. Mapapatanong ka Talaga e. Kamusta nga ba ang performance so far ng bawat department? Sakit sa heart,” saad ni Anne.

Natalakay sa naturang video clip ang pagpapaliwanag ni Magno sa dapat sanang proseso sa pagbibigay budget subalit nag-iba raw ito ngayong 2024 at ang binigay niya ay “failing grade”.

Baka Bet Mo: Ina ni Anne Curtis 3 araw nang naka-confine, ilang celebs nag-alala

Agad namang umani ng mga reaksyon ay komento mula sa mga netizens ang naging post ni Anne.

“Kaya ang hirap ipaglaban ang mahal kong Pilipinas sa kamay ng mga corrupt politicians. I want to have a future secured retirement benefits kaya I need to leave the country for good,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “I love you, Ms. Anne! Salamat po sa patuloy na pag tindig at hindi pagpikit. Thank you for always using your platform!”

“If we really want to have a better government, we have to be the change we wish to see and we can start that by electing officials who possess transparency, honesty, accountability and have the heart of a true public servant. Someone who shows up even in the most difficult times,” reply naman ng isa.

Read more...