NAGSALITA na ang celebrity mom na si Ellen Adarna tungkol sa kanyang pagbubuntis recently.
Magugunitang nasorpresa ang maraming netizens nang ibandera ng kanyang mister na si Derek Ramsay na nanganak na ang aktres sa first baby nila.
Sa comment section ng isang Instagram post ni Derek, agaw-pansin ang isang netizen na nagsabing sinadya itong itago ng aktres upang sorpresahin ang madlang pipol.
“I didn’t know na buntis pala si Ellen. Now nanganak na. Wow!” komento ng isang IG user.
Sagot ng isang netizen, “Gusto kasi ni Ellen, surprise. ‘Yung malalaman na lang ng lahat na may baby na pala. My post sila dati.”
Baka Bet Mo: Netizens abangers na sa pagbubuntis ni Pia Wurtzbach; Jeremy Jauncey tinawag na ‘best decision’ ang pagpapakasal
Hindi naman nagtagal ay nagsalita na si Ellen upang linawin ang sinasabi ng nagkomento.
Sey ng celebrity mom, “Hindi ko gusto surprise. Alam naman ng friends and family and ‘di ko naman tinatago.”
“When I go out, crop top ako kahit malaki tiyan. I just didn’t announce because I don’t need to,” paliwanag ng misis ni Derek.
Wika pa niya, “I want a quiet and peaceful pregnancy.”
“Last thing I need are opinions from people I don’t know and unsolicited advice,” aniya pa.
Humingi naman ng tawad ang netizen at sinabing: “Yes Ma’am Ellen, sorry hindi klaro ‘yung sinabi ko. Thanks sa clarification. Congrats.”
Kung matatandaan, October 23 nang ibinandera ni Derek ang masayang balita na nanganak na ang kanyang asawa.
Walang malinaw na petsa kung kailan isinilang ang panganay ng couple, pero makikita ang picture ni Ellen na nasa hospital bed at hawak ang isang sanggol.
Maaalala ring isinulat namin dito sa BANDERA noong Septembre 20 ang tungkol sa pagbubuntis ni Ellen at girl ang magiging first baby nila ni Derek.