NGAYONG Halloween Season, chinika nina Andrea del Rosario at Aubrey Caraan ang sarili nilang karanasan pagdating sa mga multo o supernatural entities.
Ito ay matapos silang tanungin ng ilang entertainment press sa Sine Sindak media conference kamakailan lang.
Ayon kay Andrea, hindi pa siya nakakakita pero naniniwala siyang may mga espiritu na gumagala sa ating mundo.
“I believe that there are spirits out there,” bungad niya.
Paliwanag pa ng batikang aktres, “But as a Christian kasi, I was told that if you believe in it too much, you give it life.”
Baka Bet Mo: Halloween 2024: Glydel Mercado ipinakulam, gustong patayin
Kung sakali rin daw na nandyan lang ang mga entities na ito ay mas bet niyang hindi na lang ito pansinin.
“I’d rather not mind it so it wouldn’t be stronger,” esplika niya.
Aniya pa, “I’m sure most of us are Christians, if not all, we say, in Jesus’ name. But they’re there. We can feel it.”
Ikinuwento naman ng aktres na si Aubrey Caraan na nakaramdam siya ng multo habang nasa set ng horror film na “Nanay Tatay” kaya siya naki-join muna sa tent ni Andrea.
Ang dalawang artista ay bida sa nasabing pelikula na kung saan si Andrea ay gaganap bilang ina na si Amanda at and role naman ni Aubrey ay bilang big sister na si Bettina.
Bukod sa kanila, tampok din sina Xia Vigor, Heart Ryan, Jeffrey Hidalgo, Elia Ilano, at Billy Villeta.
Ang kwento ng pelikula ay umiikot sa tatlong orohans na sina Olive, Paula at Bettina na inampon ng mag-asawa na sina Amanda at Lito.
Ang couple ay may nawawalang anak na si Malena na sinapian ng demonyo at ikinulong sa stockroom.
Ang “Nanay Tatay” ay parte sa line up ng “Sine Sindak” ng SM Cinemas simula October 30 hanggang November 5.