Ice ngalngal-kabayo nang tinira ang ‘Salamin, Salamin’ at ‘Gento’

Ice ngalngal-kabayo nang tinira ang 'Salamin, Salamin' at 'Gento'

ISA sa mga dapat abangan sa “Ice Seguerra Videoke Hits OPM Edition: Isa Pa” ay ang paghataw ng singer-songwriter ala-SB19 at BINI.

Excited na ang award-winning OPM icon sa nalalapit na repeat ng kanyang hit concert na magaganap uli sa Music Museum sa darating na November 8.

Ito’y mula sa Fire And Ice Entertainmentbat Fire And Ice Live na muling ididirek ni Ice with Liza Diño as Creative Director and Ivan Lee Espinosa as Musical Director.

Nakachikahan ng BANDERA at iba pang piling miyembro ng entertainment media si Ice kamakailan para sa promo ng “Videoke Hits Concert” kung saan nag-share siya ng ilang magiging pasabog at paandar sa show.

Dito naitanong kay Ice kung anong OPM songs ang pinakamahirap kantahin para sa kanya, sagot ng actor-director — ang “Salamin, Salamin” ng BINI at “Gento” ng SB19.

Baka Bet Mo: Ice Seguerra ibinandera ang Top 4 song na laging kinakanta sa videoke

Ito raw ‘yung sa last repeat ng “Ice Seguerra Videoke Hits”, “Masasabi kong nahirapan ako kasi ngalngal-kabayo na ako nung time na duma­ting ‘yun. Napagod ako du’n sa ‘Salamin.’

“Medley siya ng Gento saka Salamin, Salamin. So, kinarir ko super-duper ‘yung Gento kasi, oh SB19. Tapos feel na feel ko ‘yung pagkanta ko.

“Ito na pagdating ng Salamin, Salamin, hala! Hindi ko na-anticipate ‘yung pagod. Buti nalang may back-up dancers at saka back-up vocalists. Ngalngal-kabayo talaga ako.

“Hindi ko na siya makanta nang maayos. So, I really have to pace myself. Lagi ko naman dala ‘yung gamot (para sa hika) ko eh so, anytime naman kailangan ko, madali na,” pahayag ni Direk Ice.

Dugtong pa niyang chika, “Alam mo ‘yung may mga ganu’ng kailangang iwasan, eh. Pero, finally, nu’ng ginawa nga namin ‘yun, sobrang saya.

“Kasi parang, ang daming naki-birthday sa akin. Alam mo ‘yun? Tapos, nakakatuwa kasi talagang ang bilis lang naubos ‘yung ticket. Sobrang nagulat din kami na…siguro parang, oh, birthday gift natin kay Ice, ito. Alam mo ‘yun?

“Tapos, iba ‘yung energy. Iba ‘yung energy nu’ng night na ‘yun. Again, hindi ko na naman nararamdaman na tatlong oras na pala. Alam mo ‘yun?

“Tapos yun nga, binigyan na ako ng asawa ko (Liza Diño) finally ng motor. Sabi ko nga sa kanya eh, alam mo ba, Love, ikaw, lang talaga nagpatotoo ng pa­ngarap ko. Kasi bata pa lang ako, pangarap ko na ‘yan,” chika pa ni Ice.

Kuwento pa niya, kakaririn niya ang pagpa-practice sa pagmomotor dahil hindi pa raw siya talaga bihasa rito. Sa katunayan sumemplang pa raw siya kamakailan. Buti na lang naka-full gear siya nang mangyari yun.

Anyway, gets na kayo ng ticket para sa “Ice Seguerra Videoke Hits OPM Edition: Isa Pa” sa November 8. Mag-text lamang sa 0917-7003262 at sa Fire and Ice Live (0917-5420303) o mag-inquire sa Ticketworld.

Read more...