Shaira, Sofia, Ysabel feeling beautiful inside-out kapag…

Shaira, Sofia, Ysabel feeling beautiful inside-out kapag...

Rhea Anicoche Tan, Shaira Diaz, Miguel Tanfelix, Sofia Pablo, Ysabel Ortega at DJ Jhai Ho

KAILAN nga ba napi-feel ng mga Sparkle at Kapuso stars na sina Ysabel Ortega, Sofia Pablo, at Shaira Diaz ang pagiging “beautiful inside and out”?

Iyan ang isa sa mga naitanong sa kanila sa launch ng bagong beauty and wellness brand na Belle Dolls, mula sa beauty kingdom ni Rhea Anicoche-Tan na Beautéderm Corporation.

Kasama ang Kapuso Prince na si Miguel Tanfelix, pormal na i-introduce sina Ysabel, Sofia at Shaira bilang first celebrity endorsers ng naturang brand.

Sa Q&A segment ng event, isa-isang sumagot ang Kapuso female celebrities sa question na, “what makes them beautiful inside and out.”

Baka Bet Mo: Michelle Ortega tine-terrorize manliligaw ni Ysabel: Layuan mo anak ko!

Sagot ng aktres at “Unang Hirit” host, ang words of affirmation mula sa kanyang fiancé na si EA Guzman, ang isa sa nagpapaganda sa kanya.

“Like, ‘Uy, ang pretty naman niya today.’ Yung mga simpleng papuri ng fiancé ko sa akin, talagang I truly feel beautiful inside and out. Yung simpleng kakamustahin ka, papadalhan ka ng pagkain, ang ganda lang sa pakiramdam.

“Simpleng tao lang ako, hindi ako nag-e-expect ng masyadong bonggang materyal na bagay. Just words from my loved ones, yun lang para sa akin, sapat na,” ani Shaira.


Sey naman ni Ysabel, “Ako, I feel beautiful inside and out when I actually feel good. Alam mo yung pagkagising ko, iba yung aura ko sa araw na yun, you feel healthy and you feel good.”

Um-agree rin siya sa sinabi ni Shaira, “Tama yung sinabi ni Ate Shaira, it’s the little things talaga like, when the people around me say, ‘You look beautiful. Ang ganda ng hair.’ It’s the little things talaga.”

Nag-react naman si Miguel sa pahayag ng kanyang ka-loveteam at sinabing gandang-ganda siya sa dalaga kapag no make-up, “Para po sa akin, yun po ang pinakamagandang hitsura niya. Totoo po, kasi walang makeup or anything, so kita ko talaga kung ano siya.”

Sagot naman ni Sofia, “Ako po, I feel beautiful inside and out when I am happy. Yung gigising ako tapos masaya ako. Then, I will look into the mirror na, ‘Ang ganda ko.’ Wow.”

“Iba po kasi kapag sinasabihan ka ng (magaganda) ng mga mahal mo sa buhay,” dagdag pa niya.

Samantala, nagbigay ang Beautederm CEO and President Rhea Anicoche-Tan ng ilang rason kung bakit sina Miguel, Ysabel, Sofia, at Shaira ang napili niya bilang first celebrity endorsers ng kanyang supplement brand na Belle Dolls.

“It’s time na rin naman na mas bagets ang alaga ko. At siyempre, tuwing kumukuha ako ng endorers, ang una ko munang tanong, ‘Mabait ba ‘yan? Masipag ba ‘yan mag-post?’ Masisipag ang mga batang ito,” simulang pahayag ni Miss Rei

“Si Shaira, kahit na si EA (de Guzman, brand ambassador din ng Beautéderm) ang aking anak-anakan, kinukuha niya ang gamit ni EA. Siya yung tumatawag, ‘Mommy, paano gamitin ‘to?’ So, matagal na rin siyang Beautéderm baby.”

“Si Ysabel naman, I love her so much. Itong batang ‘to, I really appreciate yung lahat ng okasyon present siya. Ako naman, simpleng bagay lang, naa-appreciate ko, e.

“Si Sofia, very sweet girl. Napakagalang. Kapag may events, kahit hindi ko siya alaga, lumalapit sila talaga, sila ni Miguel. Ganu’n lang naman, mababaw lang naman ang kaligayahan ko,” sey pa ng matagumpay na lady boss.

Read more...