SAMA-SAMANG dinala ng hip-hop icons na sina Skusta Clee at Flow G at P-Pop superstar SB19 ang “panalo spirit” sa Puregold Sari-sari Store MassKaravan & Concert sa Bacolod.
Ang pagdiriwang na ito ay idinaraos taon-taon at dinarayo ng libu-libong mga bisita mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Mahigit-150,000 ang dumalo upang makisaya sa mga bigating OPM stars.
Mas pinatingkad ng Sari-sari Store MassKaravan ang mga kulay at maligayang awra sa taunang pista. Ipinagdiwang sa Bacolod City Government Center, naengganyong dumalo ang mga loyalistang miyembro ng Puregold at mga tagasubaybay ng lokal na musika, na pumunta sa konsiyerto upang mapanood ang mahusay na ritmo nina Skusta at Flow G, at ang sayaw at harmonya ng SB19.
Baka Bet Mo: Flow G aprub sa kanta ni Chito; nakipag-collab sa BINI, SunKissed Lola
Natunghayan din ng mga nanood ang pagtatanghal ng mga nagbukas ng konsiyerto, sina Project Juan at Esay.
“Malayo na ang naihakbang ng layunin nating itampok ang boses ng mga talento sa lokal na eksena,” sabi ng Presidente ng kumpanya na si Vincent Co.
“Masaya kaming dalhin ang mga talentong ito sa isa sa mga kabigha-bighaning pista ng ating bansa, ang MassKara sa Bacolod. Nagpapasalamat kami sa mga dumayo upang makisaya sa konsiyerto,” aniya pa.
Kitang-kita sa mga tagapanood ang kanilang pagkamangha at saya sa panonood ng kanilang mga paboritong musikero sa Bacolod City Government Center.
Halimbawa, ang mga A’TIN na sina Chariz at Katrina ay napuno ng ligaya dahil nakita ang kanilang mga iniidolo. Ani Chariz, wala siyang personal na “bias” dahil “lahat po idol ng anak ko!”
Si Katrina naman, nagpadala ng espesyal na mensahe sa bias niyang si Stell, “Good luck at good job! Sana ay mas umunlad ka pa bilang indibidwal, at kayo rin bilang isang grupo.”
Labis namang nasabik ang mga fans gaya ni Apple na nakita ang bigatin sa rap na si Flow G. Malinaw na malaki ang impact ni Flow G kay Apple nang ipinagmamalaki niyang isigaw ang “Idol! Nakaka-inspire!”
Habang bukas sa publiko ang konsiyerto, may bentahe ang mga miyembro ng Puregold sa naturang event. Mayroong mga VIP at VVIP na tiket na ibinenta sa Bacolod at Iloilo noong Oktubre 5, bilang pasasalamat.
Dagdag pa rito, marami ring masuwerteng nanalo ng mga VIP pass na ipinamigay ng mga partner brand.