Sanya pinalabas ng artista sa tent dahil extra lang; nginudngod sa eksena

Sanya pinalabas ng artista sa tent dahil extra lang; nginudngod sa eksena

Sanya Lopez

NARANASAN din pala ng Kapuso actress na si Sanya Lopez na mapalayas ng tent  sa shooting noong nag-eekstra pa lang siya sa TV at pelikula.

Fresh na fresh pa sa utak ng dalaga ang nangyari noon sa kanya habang nasa shooting ng isang TV show kung saan  pinalabas siya ng isang artista mula sa tent na kanilang tinutuluyan.

Maraming rebelasyon si Sanya sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” kabilang na ang mga pagsubok na pinagdaanan niya noong nagsisimula pa lamang siyang mangarap na maging artista.

Baka Bet Mo: Guwapo at sikat na aktor may itinatagong ‘baho’, bistado ng mga kasamahan

“Sa akin po Tito Boy, kasi mahirap din po talaga. Sa mga nakakakilala sa akin, alam nila kung paano muna ako naging artista,” simulang pagbabalik-tanaw ni Sanya.


“Dumating pa ako sa point na naging extra ako ni Bianca (Umali), with Ashley Ortega,” kuwento ni Sanya na nag-extra raw noon sa Kapuso series na “Wish I May” noong 2016.

Pagpapatuloy ng Kapuso star, “Parang may kailangang ingudngod doon. Ako ‘yung nginudngod,” ang natawang chika pa ng isa sa lead star ng GMA Prime series na “Pulang Araw”.

Nagulat naman si Bianca na kuwento ni Sanya na guest din sa naturang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda”, “Huh? Ngayon ko lang naririnig ‘yung kuwento na ‘to!”

Reaksyon ni Sanya, “Pero isang beses lang naman po ‘yun.”

“May muntik-muntikan daw, si Ashley din naman po ‘yun, kontrabida mo (Bianca) roon si Ashley. Kailangang ingudngod doon tapos ikaw ‘yung nasa CR. Okay naman sa akin Tito Boy,” patuloy pa niya.

Kasunod nito, naikuwento rin ni Sanya ang pagpapalayas sa kanya ng isang artista mula sa isang tent habang nasa shooting.


“Napalabas po ako ng tent kasi hindi raw ako artista. For artista raw po ‘yun. Tapos sabi ko, ‘Sige po.’

“Okay lang naman sa akin. That time hindi ko siya dinidibdib kasi hindi naman talaga ako artista that time, parang feeling ko ang sabi, ‘Ay beh, alis ka diyan hindi ka naman artista.’ Tapos sabi ko, ‘Ah sige po,’ alis ako,” chika pa niya.

Nag-eenjoy naman daw kasi siya sa pagiging extra lalo na kapag nabigyan siya ng isa o dalawang lines sa kanyang eksena.

“Happy ako that time pero naisip ko lang Tito Boy, kung hindi siguro nangyari sa akin ‘yun tapos ganito ‘yung mga blessings na ibinibigay ni Lord sa akin, baka ang laki-laki ng ulo ko, sobra.

“Doon ko rin ina-appreciate na lahat ng mga kasama natin, artista man o hindi, dapat isa lang ‘yung pagrespeto mo sa kanila.

“Kasi we can never tell. Bilog ang mundo. So hindi natin alam na siya na ‘yung susunod, siya ‘yung makakasama mo.

“You have to be nice to everyone. Be kind talaga and respect them. Kahit ano pa ‘yung estado nila sa life,” pahayag pa ni Sanya na umaani ngayon ng papuri bilang si Teresita sa “Pulang Araw”.

Ayon sa mga manonood at netizens, hindi raw nagpapatalbog ang aktres sa mga co-stars niya sa serye na sina Alden Richards, Barbie Forteza at David Licauco.

Read more...