MADALING matakot ang aktres na si Louise delos Reyes kaya talagang hindi raw siya nanonood ng mga horror movies, sa TV man o sinehan.
Hindi bukas ang third eye ni Louise pero may mga nagsasabing lapitin siya ng mga ligaw na kaluluwa at iba pang elemento na naninirahan sa pali-paligid.
Totoo naman daw, dahil may mga pagkakataon na meron siyang nararamdamang kakaiba at hindi maipaliwanag pero mas pinipili na lang daw niyang dedmahin ang mga ito kesa i-entertain pa sa kanyang isip.
Tulad na lang ng naging karanasan niya sa shooting ng isang ginawa niyang pelikula kung saan pinaniniwalaang may nagparamdam sa kanya habang kinukunan ang isa niyang eksena.
Baka Bet Mo: Louise never naging BF si Alden, na-hurt nang sumikat ang AlDub dahil…
“Meron kasing, di ba, uso yung sa matatandang klase ng bahay na iba yung stairs ng maid, so parang pang-service na hagdan.
“So, du’n ako naka-standby and about to enter du’n sa isang scene. Tapos merong malaking ilaw du’n and everytime na makikita ko may nagbabantay,” simulang pagbabahagi ng aktres.
“And then may nakita akong lalaki du’n na umakyat, nakita ko lang sa periphery ko.
“Umakyat siya, ganyan. Tapos biglang namatay yung ilaw in the middle of the scene. Nandu’n na ako sa loob.
“Then sinabi sa akin, may nagtanong, ‘wala bang nagbabantay du’n?’ Sabi ko, meron pong nagbabantay du’n. Tapos nalaman namin yung tao palang naka-assign du’n hindi nakapasok that day,” pag-alala pa ni Louise.
Nagtataka raw niyang tanong sa production staff, “So, sino yung dumaan? Tapos ako, hindi ko siya in-entertain talaga.
“Pero after a while, meron akong naamoy na bulaklak, yung parang pangpatay.
“Kaya sabi ko, ‘okay, hindi ko papansinin to, hindi ko iee-entertain. Pero na-gets lang ng katawan ko na meron.
“Yun lang yung closest experience ko. Yung talagang nakita ko o nagpakita o nakipagtitigan sa akin, wala pa naman. Sana po, huwag naman, huwag!” ang nasambit pa ni Louise.