MABILIS ang recovery stage ni Angelica Panganiban matapos sumailalim sa hip replacement surgery ilang araw na ngayon ang nakararaan.
Ibinahagi ng Kapamilya actress ang kanyang health journey sa bago niyang YouTube vlog ngayong nagpapagaling na siya mula sa pinagdaanang operasyon.
Kinailangang sumailalim sa hip replacement surgery para ma-address ang kanyang avascular necrosis.
Ayon sa Mayo Clinic, “avascular necrosis is the death of bone tissue due to a lack of blood supply. Also called osteonecrosis, it can lead to tiny breaks in the bone and cause the bone to collapse.”
Saad ni Angelica, “Swiftly naman akong nakaka-recover. Fourth day after the surgery nakalakad na ako without the walker.
Baka Bet Mo: Iza unti-unti nang nakaka-recover sa pneumonia: REST means success!
“Medyo mayabang ‘yun kasi hindi lahat nagagawa ‘yun and siyempre iba-iba naman tayo ng pag-recover, kanya-kanyang katawan ‘yan, kanya-kanyang midset ‘yan,” pagbabahagi ni Angge.
Patuloy pa niya, “Siguro talagang ako ay palaban and kating-kati na talaga akong makalakad ng normal. Yes, nakakapag-mall na kaming pamilya, nakakapasyal na.”
Kung minsan daw ay nakararamdam pa rin siya ng sakit sa kanang bahagi ng kanyang balakang na hindi pa naooperahan.
“Although still, talagang iniinda ko pa rin ‘yung right side ng hips ko. At least hindi na parehas, hindi na parang bibigay ‘yung buong lower body ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.
“Manageable ‘yung pain, pero siyempre hindi pa rin isang daang porsyento ‘yung naramdaman kong ginhawa so I am hoping na sa therapy na ginagawa ko ay makatulong ‘yun sa aking naiwang right hip,” sey pa ng aktres.
Sisimulan daw agad ni Angge ang tinatawag na low impact workout kapag may clearance na mula sa kanyang doctor.
“Medyo excited ako du’n kasi mai-strengthen talaga ‘yung katawan ko and nu’ng ginagawa ko siya noon, nakakatulong siya na mabawasan ‘yung pain.
“Kasi nalilipat talaga niya ‘yung strength ng lower body ko sa mga muscles. Lumalakas kahit papano ‘yung muscles ko sa legs,” esplika ng wifey ni Gregg Homan.