Euwenn Mikaell lakas maka-good vibes; Nadine feeling ‘Forever Young’

Euwenn Mikaell lakas maka-good vibes; Nadine feeling 'Forever Young'

Euwenn Mikaell

BUKOD sa consistent high ratings mula pilot episode noong Lunes (October 21), bentang-benta rin sa viewers ang cuteness overload na hatid ni Rambo Agapito sa GMA series na “Forever Young.”

Ito’y pinagbibidahan ng award-winning child star na si Euwenn Mikaell na talaga namang araw-araw na nagpapasabog ng good vibes at inspirasyon sa mga manonood.

Simula pa lang ng serye pero mixed emotions na agad ang hatid ng afternoon series sa mga Kapuso. May mga naiyak, natawa, at na-suspense sa ilang eksena.

Komento ng isang netizen sa GMA Drama Facebook page, “Grabe ang ganda naman nito, bes! Unang araw pa lang, intense agad! Nakakakabog ng dibdib! Bigatin ang cast! I love this show, may bagong susubaybayan na naman!”

Baka Bet Mo: Euwenn Mikaell pinabilib sina Michael at Eula: Hindi pangkaraniwang bata!

Dahil sa isang pambihirang kondisyon, nananatiling mukhang bata si Rambo kahit siya ay 25 years old na.

Paano haharapin ni Rambo ang kanyang mga responsibilidad at paano niya aabutin ang kanyang mga pangarap kung siya ay “Forever Young”?


Tampok sa programa ang kakaibang kuwento ng karakter na si Rambo, na ginagampanan nga ni Euwenn. Si Rambo ay isang 25-anyos na tatakbo bilang mayor.

Meron siyang natatanging kondisyon na tinatawag na “panhypopituitarism”, na nakaapekto sa kanyang paglaki na siyang magiging sentro ng twists and turns ng kuwento.

Ang Kapuso aktres na si Nadine Samonte ang gumaganap na nanay ni Mikaell sa serye. Ayon sa aktres, ang “Forever Young” ay isa sa pinaka-memorable na show na ginawa niya sa ang taon na niya sa showbiz.

Hindi lang dahil sa pambihirang kuwento nito kundi pati na rin sa samahan na nabuo nila ng cast at production team.

“Sobra, ito ‘yung masasabi kong isa sa pinaka-memorable show na ginawa ko. Sobrang saya, sobrang sarap na makatrabaho lahat ng cast ng Forever Young,” sey ni Nadine sa presscon ng programa.

“Sa Forever Young marami rin kayo matututunan, maraming aral po ito, and we will always feel forever young,” aniya pa.

Kasama rin sa “Forever Young” sina Michael De Mesa, Eula Valdes, Rafael Rosell, Alfred Vargas, James Blanco, Matt Lozano, Dang Cruz, Althea Ablan, Princess Aliyah, Bryce Eusebio, at Abdul Raman.

Mapapanood ang “Forever Young” tuwing 4 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Read more...