Sunshine Cruz, Ina Raymundo payag bang i-share ang dyowa sa iba?

Sunshine Cruz, Ina Raymundo payag bang i-share ang dyowa sa iba?

Sunshine Cruz at Ina Raymundo

PAYAG ka bang i-share ang iyong dyowa sa iba at keribels mo bang tumikim ng bagong putahe kahit pa meron ka nang matagal na karelasyon?

Sa mga hindi pa masyadong aware, ang tawag diyan ay “open relationship” na matagal nang ginagawa ng ilang Pinoy couples na gustong mag-explore at mag-experiment sa buhay.

Ang open relationship ay ang mutual agreement ng mga magdyowa na pwede pa rin silang makipag-date sa iba kahit pa magkarelasyon sila.

Baka Bet Mo: EA Guzman game na game pa rin sa kabaklaan, dream role ang gumanap na may epilepsy at may diperensya sa pag-iisip

Sa guesting ng mga seasoned actress na sina Sunshine Cruz at Ina Raymundo sa “Fast Talk with Boy Abunda,” sinabi nilang hindi dapat hinuhusgahan ang mga taong nasa ganitong klase ng relasyon.


Tinanong ng King of Talk na si Tito Boy kung ano ang saloobin nina Sunhine at Ina sa usapin ng open relationship.

Sey Ina, 2025 na next year kaya dapat ay maging open minded na ang mga Filipino sa ganitong modern style ng isang relasyon at huwag daw tayong maging judgmental.

“You know what, ‘yung ibang mas modern talaga na relationships, I will not judge them if they decide na mag-open sila.

“Because if that’s how it will keep your marriage na matagal na tapos gusto niyo maka-experience ng something fun,” paniniwala ni Ina.

Pero siyempre, bilang isang Kristiyano raw ay hindi pa rin ito dapat ipinapayo sa ibang tao pero suportado niya ang mga magdyowa na nagkasundo sa ganitong klase ng relasyon.

Para naman kay Sunshine Cruz, “Whatever works. Totoo naman ‘yun nasa 2024 na tayo, whatever works. Basta walang tinatapakang tao at nagwo- work para sa inyo para magbigay ng spice sa relationship, then go.”


Pero ang tanong, kapag sila ang nalagay sa ganu’ng sitwasyon, game ba sila? Diretsong sagot ni Ina, “Probably.”

Ngunit sabi ni Sunshine, selosa raw siya kaya mukhang hindi ito uubra sa kanya, “Pero ayokong magsalita nang tapos pagdating diyan. Never say never, e.”

Read more...