Sid, Beauty, cast ng ‘Outside’ 1 buwan nanatili sa Negros Occidental

Sid, Beauty, cast ng ‘Outside’ 1 buwan nanatili sa Negros Occidental

PHOTO: Courtesy of Sean Jimenez

MORE revelation ang aming nalaman sa exclusive dialogue ng thriller drama series na “Outside” na ginanap kamakailan lang sa Taguig City.

Ayon sa cast, isang buwan silang nag-lock in taping sa Negros Occidental, ang location shoot ng proyekto.

At diyan ibinunyag ng aktor na si Sid Lucero na mas bet niyang hindi muna umuwi ng kanilang bahay kung may mga ganitong klaseng mabibigat na eksena.

Ang kanyang dahilan, mas napapanatili niya kasi ‘yung emosyon ng kanyang karakter.

“It’s hard to get back into it because real life stuff happens, you know, and everything changes,” sey niya.

Baka Bet Mo: ‘Outside’ nina Sid, Beauty nakaka-stress, pero pangmalakasan ang atake

Paliwanag pa niya, “But if you’re there the whole time…you’re at least have the whole time to fall back to shoot and then we relax or whatsoever. There’s this undertone that’s maintained and never goes away, which I am so for it talaga. It’s more fun.”

Para naman sa aktres na si Beauty Gonzalez, naging madali ang pag-stay niya sa probinsya dahil nakakasama niya rin ang kanyang mister na si Norman Crisologo at anak na si Olivia.

“I’m very lucky that my husband and my daughter were there with me,” bungad niya nang tanungin kung nahirapan siya sa lock-in taping.

Paglilinaw pa ng aktres, “No, not lock-in. They were travelling the whole Negros then kapag may vacant day ako, I will meet them in a town or they’ll gonna meet me at the hotel. Making my life easier.”

Dagdag pa niya, “But I really love lock-ins, I don’t have problems [with that]. Basta may time ako sa family ko at mag-visit and I can go out, wala akong problema…Para rin I could stay in character. Hindi ako nawawala.”

“Tama naman ‘yung sinabi ni Sid eh, kasi siyempre, pagdating sa bahay iba na ‘yung problemang aatupagin mo. Nawawala ka na tapos babalik ka nanaman doon [sa karakter],” aniya pa.

Ayon naman sa young star na si Marco Masa, ang naging challenge sa kanya sa lock-in taping ay ang kanyang pag-aaral.

“Kasi I have to do my homeworks, my performance tasks away from the actual school. So medyo mahirap siya sa part ko,” wika ni Marco.

Kwento pa niya, “Actually, at first na-homesick ako but thankfully sila ‘yung nakasama ko. I’m really comfortable with them.”

Ang “Outside” ay ang kauna-unahang zombie film na gawang Pinoy.

Ito ay mula sa direksyon ni Carlo Ledesma at pinagbibidahan nina Sid na bilang troubled father, si Beauty ang strong-willed mother, habang sina Marco at Aiden Patdu ang magiging terrified sons nila sa horror movie.

Ang bagong pelikula ay mapapanood exclusively sa streaming platform na Netflix.

Read more...