Jonathan Roumie ng ‘The Chosen’ kikitain ang Pinoy fans sa Nobyembre

Jonathan Roumie ng ‘The Chosen’ kikitain ang Pinoy fans sa Nobyembre

PHOTO: Courtesy of ‘The Chosen’

BIBISITA ng Pilipinas ang American actor na si Jonathan Roumie sa darating na Nobyembre!

Siya ang bida sa hit series na “The Chosen” na gumaganap bilang si Jesus.

Ang live fan meeting ay gaganapin sa Mandaluyong City sa November 22.

Sa isang Facebook post, inamin ni Jonathan na excited na siyang ma-meet ang Pinoy fans upang personal na pasalamatan sa patuloy na pagsuporta ng nasabing show.

“Yes, I will be there personally. I want to thank you so much for your love and support for our show, and I’m so excited to meet our Filipino fans,” sey niya sa video.

Baka Bet Mo: #20YearsNa: Jonathan Manalo itinanghal na ‘most streamed Filipino songwriter & record producer of all time’

Aniya pa, “You know we have a lot planned for the Philippines, so be sure to follow us on Facebook, Instagram, and TikTok @thechosentvph for updates.”

Kasama sa event ang special screening ng holiday special na “Christmas with the Chosen: Holy Night” na muling isasalaysay ang kwento ng kapanganakan ni Mama Mary, kasama si Joseph ang tumayong ama ni Hesus dito sa mundo.

Bilang parte rin ng pre-screening program, ang mga dadalo ay magkakaroon ng up-close moment sa aktor na nakatakdang rumampa sa teal carpet.

Para sa mga hindi pa nakakapanood ng nasabing drama series, ito ay based sa buhay ni Jesus, “seen through the eyes of those who knew him. Set against the backdrop of Roman oppression in first-century Israel, the seven-season series shares an authentic and intimate look at Jesus’ revolutionary life and teachings.”

Ang “The Chosen” ang isa sa most watched series sa buong mundo na may mahigit 253 million viewers.

Nagsimula ito sa isang crowd-funded project, pero umaani na Ang show ng mahigit 800 million episode views at mahigit 16 million social media followers.

Nasa ikaapat na season na ang serye at ang Pilipinas ang ikatlo na may pinakamaraming manonood sa labas ng United States –sumunod ang Brazil at Mexico.

Natapos na Ang taping ng season 5 ng programa at ito ay iri-release na sa taong 2025.

Read more...