Madam Kilay gigil mode kay Rosmar: ‘Sumasakit ulo ko sa’yo…Nasaan mindset mo?’

Madam Kilay gigil mode kay Rosmar: ‘Sumasakit ulo ko sa’yo…Nasaan mindset mo?’

Madam Kilay, Rosmar Tan

INIS na inis ang social media star na si Madam Kilay sa kapwa-internet personality na si Rosmar Tan.

Ito ay dahil sa naging hirit niya sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Kristine kamakailan lang.

Deleted na ang viral post, pero ang nakalagay doon ay: “Ang hirap isipin na habang kami nakahiga sa malambot na kama, kagigising lang at naka-aircon, ang daming bata, matanda na ‘di na alam paano ililigtas sarili sa Bicol dahil sa baha at bagyo.”

Sa Facebook, inihayag ni Madam Kilay ang kanyang reaksyon at inamin na hindi siya natuwa sa paraan ng pag-post ni Rosmar na kinailangan pang magyabang at ikumpara ang kanyang buhay sa iba.

“‘Yung nag BRAG ka pa na ang sarap ng tinutulugan mo tapos ung iba nanganganib ang buhay dahil sa bagyo [emoji] KABOTLOGAN NETO!” caption niya.

Baka Bet Mo: Rendon Labador pinaaatras na si Rosmar Tan sa pagtakbo sa Maynila!

Kasunod niyan ay nag-post pa siya ng video upang pagsabihan at i-real talk si Rosmar.

“Te, sumasakit ang ulo ko sayo…bago tayo mag-post, titingnan muna natin, babasahin muna natin kung tama ba ‘yung interpretasyon ng post natin kasi merong iba nami-misunderstood,” bungad ng socmed star.

Dagdag pa niya, “Bakla, dapat sinabi mo nalang ipagpe-pray ko kayo mga nasalanta ng bagyo kineme kinemerut. Nagsabi ka pa talaga na kayo malambot ang kama, kakagising lang, naka-aircon. Nag-brag ka pa talaga ng ganyan?!”

“Isipin mo sasabihin mo dai kasi parang kinukumpara mo ‘yung buhay mo sa buhay nila ngayon. Maraming masasaktan diyan,” paalala ni Madam Kilay.

Wika pa niya kay Rosmar, “Kaya minsan iisipin mo, nasaan ba ‘yung utak mo ‘te? Nasaan ‘yung mindset mo? Sa ganitong sitwasyon ha, huwag nating ikukumpara ‘yung ating buhay sa iba, lalo na ngayon na ang daming hikayos. Tutulong na kung tutulong, Wala na ‘yung brag brag pa.”

Pinuna rin ni Madam Kilay ‘yung pahabol post ng socmed star na humihingi ng proof video sa mga biktima ng bagyo upang makapag-send ng P5,000.

Hindi kasi naging maganda ‘yung pagkasabi niya sa dulot na minamadali pa niya ang mga apektado ng bagyo.

“Binigyan mo pa sila ng trabaho! Binigyan mo pa sila ng obligasyon para lang sa limang libo. Namomroblema na nga sila sa bahay nilang binaha…inuuto mo ‘yung mga tao na parang uhaw na uhaw sa pa-Gcash mo,” naiinis na sinabi ni Madam Kilay.

Patuloy niya, “May team ka ‘diba, papuntahin mo doon at tsaka mo pagbibigay ‘yung P5,000 na sinasabi mo.”

“Pasensya na kung nari-realtalk kita ha…maling-mali. Kung talagang tutulong, tumulong na lang…Kung bukal sa pagtulong, maraming paraan,” lahad niya pa.

Mensahe pa niya, “Kapag magpo-post ka, isipin mo muna kung sino maaapketuhan…Hindi ‘yung tutulong ka, may kapalit naman.

Magugunitang maraming netizens ang bumatikos kay Rosmar at ang sabi ng marami ay parang walang sensea t wala sa katwiran ang nasabing post.

Read more...