TUWANG-TUWA si Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi kay CJ Opiaza, ang ating pambato sa Miss Grand International 2024 na itinanghal na first runner-up.
Sa pamamagitan ng X (dating Twitter) inihayag ni Celeste kung gaano niya ipinagmamalaki ang kapwa-beauty queen.
“It was an amazing performance, CJ. You gave one hell of a show. You made us all proud [blue heart, Philippine flag emojis],” caption niya.
It was an amazing performance, CJ. You gave one hell of a show. You made us all proud. 🩵🇵🇭 #CJisGRANDthe1andOnly
— Celeste Cortesi (@SCCortesi) October 25, 2024
Kasunod niyan ay pinasalamatan niya rin ang team na sumuporta at umalalay kay CJ mula ‘nung nag-uumpisa ito sa journey niya sa nasabing international pageant.
Baka Bet Mo: Celeste Cortesi ayaw nang mag-join sa beauty pageant: ‘It’s not for me’
“Congratulations as well to CJ’s team. Guys, it takes a village to make a queen. They are unsung support system,” wika niya.
Pagbubunyag pa niya, “Proud of my stylist too, Randell Giel who happens to be CJ’s stylist too.
Bilang marami pa rin ang humihiling kay Celeste na bumalik sa mundo ng beauty pageant, sinabi niya sa hiwalay na post na wala pa siyang plano para riyan at nais niyang magnegosyo muna.
“I know how much you guys want to see me compete again, but for now I’m really focused on running my business, Asul,” Saad niya.
Aniya pa, “I’m happy cheering for our girls sa sidelines. Next stop, Chelsea [smiling face with blush, blue heart emojis].”
I know how much you guys want to see me compete again, but for now I’m really focused on running my business, Asul. I’m happy cheering for our girls sa sidelines. Next stop, Chelsea. 😊🩵
— Celeste Cortesi (@SCCortesi) October 25, 2024
Sinagot din ng batikang beauty queen ang sinabi ng isang X user na: “Mhie ikaw nalang ang tanging pag-asa namin bwhahahahaha ilaban mo na kami pleaseee.”
Ang sagot ng Miss Universe pHilippines 2022, “Haha. As a live seller na me now. Baka ma-bash again as no comm skills [laughing emoji].”
Haha. As a live seller na me now. Baka ma-bash again as no comm skills. 🤣 https://t.co/JsI85O2VWe
— Celeste Cortesi (@SCCortesi) October 25, 2024
Kung matatandaan, January 2023 nang huling lumaban si Celeste sa 71st Miss Universe na naganap sa New Orleans, United States kung saan siya ay nagtapos sa Top 16 semi-finalists.
Bukod sa international stage, gumawa rin siya ng pangalan para sa sarili niya sa mundo ng showbiz pagkatapos magkaroon ng papel sa huling episode ng “Darna” (2023) starring Jane de Leon and Janella Salvador.
Mula noon ay nagkaroon pa ng mga proyektong pantelebisyon ang beauty queen at kabilang na riyan ang “Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kwento” at “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.”