BINI magdo-donate ng P1-M para sa mga nasalanta ng bagyong Kristine

BINI nag-donate ng P1-M para sa mga nasalanta ng bagyong Kristine

BINI

MAGDO-DONATE ng P1 million ang super P-pop girl group na BINI para sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Kristine.

Ito ang inihayag ng grupo sa pamamagitan ng “Tulong-tulong Hanggang Dulo”, ang online donation drive ng ABS-CBN para sa mga biktima ng typhoon Kristine mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Ayon sa leader ng BINI na si Jhoanna Robles, ang P1 milyong donasyon ng grupo ay magmumula sa kita ng kanilang “Grand BINIverse” concert.

Baka Bet Mo: Donnalyn Bartolome naloko sa pera: Utang na P1 million, gone just like that!

“Bilang tulong ng BINI at ABS-CBN sa mga nasalanta ng bagyong Kristine, kami po ay magdo-donate ng P1 million sa aming ‘Grand BINIverse’ concert para matulungan po namin ang mga nasalantang kababayan po namin,” pahayag ni BINI Jhoanna.


“Ang halagang ito ay maging panimula po sana ng mga donasyon sa ABS-CBN Foundation. Magtulungan po tayo para makatulong sa mga kababayan.

“It’s our way of giving back din dahil ‘yung mga Blooms din po talaga yung sumu-support din po sa amin,” aniya pa pagkatapos ng kanilang performance sa ginaganap na “Tulong-tulong Hanggang Dulo.”

Inaasahan din ang magiging performance ng iba pang Kapamilya talents tulad nina Nyoy Volante, Donny Pangilinan, KD Estrada, AC Bonifacio, at Anji Salvacion.

Read more...