Kim Molina sa chikang buntis siya: ‘Please lang ‘wag niyo pangunahan!’

Kim Molina sa chikang buntis siya: ‘Please lang ‘wag niyo pangunahan!’

PHOTO: Facebook/Kim Molina

NALOKA ang actress-comedienne na si Kim Molina nang malaman ang kumakalat na chikang buntis siya sa firstbaby nila ng fiancè na si Gerald Napoles.

Sa Facebook, agad na pinabulaanan ng aktres ang nasabing chismis at nilinaw na nadagdagan lang ang timbang niya.

“KALOKA. Sa mga nagsasabi na buntis ako, tumaba lang ako okay,” bungad niya sa post.

Paliwanag niya pa, “Sadyang wala lang din akong pake humarap sa camera ng walang make-up at ayos.”

“Yung ilong ko, sadyang pango kaya hindi ako buntis na lalake anak kaloka. Nabanat lang lalo sa pisngi kasi nga tumaba ganyan na yan since birth,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Kim Molina bet magpasampal kay Charo Santos-Concio

PHOTO: Facebook/Kim Molina

Sinabi rin ni Kim na nasa tamang edad naman na siya upang magbuntis, “At kung buntis man, ano ngayon?”

“Pero please lang wag niyo pangunahan matres ko pwede ba,” mensahe pa ng komedyana.

Pagbabahagi rin niya, “‘Nung hindi pa kami engaged ni Je, patiuna kayo eh may plano nga ‘yung tao. Tapos ngayon pati pagbubuntis ko kesyo tinatago ko raw?! Haaaay juskopowzz pagkain laman ng tiyan ko ngayon okay.”

“MIND YOUR OWN ICE CREAM! napindot tuloy si anger button today,” lahad pa niya.

PHOTO: Facebook/Kim Molina

Kung matatandaan, noong Agosto lamang nang ma-engaged sina Kim at Gerald.

Ang wedding proposal ay ginanap sa PETA Theater na kung saan sila unang nagkakilala sampung taon na ang nakakaraan dahil sa musical play na “Rak of Aegis.”

Sa isang social media post, ibinunyag ni Getald na apat na beses siyang sumubok na alukin ng kasal ang soon-to-be wife bago siya mag-organize ng bonggang proposal.

Read more...