PBA tutulong sa ‘Kristine’ victims, ido-donate ang kita sa Game 1 Finals

PBA tutulong sa ‘Kristine’ victims, ido-donate ang kita sa Game 1 Finals

PHOTO: Facebook/PBA

MAGIGING makabuluhan ang laban sa pagitan ng Ginebra at TNT sa nalalapit na Game 1 ng PBA Governor’s Cup Finals.

Sa press conference na naganap sa Taguig City, sinabi ng liga na ang mabebentang tickets sa nasabing series opener ay ibibigay sa mga apektado ng bagyong Kristine.

“Nag-usap kami ni commissioner at chairman. We decided that Sunday’s game, ‘yung proceeds nun, lahat ido-donate namin,” sey ni San Miguel sports director Alfrancis Chua.

Paliwanag niya, “We’ll be preparing [finances] while others will be preparing food and such.”

Kinumpirma naman ito ng league commissioner na si Willie Marcial at sinabing makikipag-ugnayan sila sa “Alagang Kapamilya” ng TV5.

Baka Bet Mo: PAWS nanawagan sa kaligtasan ng mga hayop sa pananalasa ng bagyong Kristine

Ang proceeds daw ay ibibigay sa charity program ng Kapatid network at ito na raw ang bahalang magpakalat ng donasyon sa mga biktima ng kalamidad.

Hirit ni PBA chairman Ricky Vargas, “‘Yung ibibigay ng PBA para sa mga nasalanta, we will entrust it to the Alagang Kapatid Foundation and it will report on how they used the proceeds that was given by the PBA.”

Ang Game 1 ng PBA Finals ay gaganapin sa Ynares Sports Center sa Antipolo sa darating na Linggo, October 27.  

As of this writing, iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nasa pito na ang patay dahil sa hagupit ng bagyo –anim diyan ay mula sa Bicol region at isa sa Calabarzon.

Bukod diyan, may apat ding nasaktan at may pitong pinaghahanap ng mga awtoridad.

Pero nilinaw ng ahensya na ito ay kasalukuyan pa nilang vina-validate.

Read more...