Ellen Adarna nanganak na sa 1st baby nila ni Derek Ramsay

Ellen Adarna nanganak na sa 1st baby nila ni Derek Ramsay

Ellen Adarna, Derek Ramsay at ang bagong-silang nilang baby

NANGANAK na ang aktres na si Ellen Adarna sa unang baby nila ng kanyang asawang si Derek Ramsay.

Ibinalita ito mismo ng aktor sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ngayong gabi pero wala siyang ibinigay na detalye kung kailan at kung saang hospital nanganak si Ellen.

“My world keeps getting better and better! (smiling face with hearts emojis) #houseofdragons,” ang caption na inilagay ni Derek sa larawang ipinost niya sa IG.

Makikita rito ang kanyang misis na nasa hospital bed at may hawak na sanggol pero natatakpan ng braso ni Ellen ang mukha ng baby nila ni Derek.

Matatandaang sinulat namin dito sa BANDERA noong Setyembre 20 ang tungkol sa pagbubuntis ni Ellen at girl ang magiging panganay nila ni Derek.

Baka Bet Mo: AJ Raval nanganak na raw sa isang ospital sa Pasig, nagtakip pa ng mukha para hindi makilala?

Marami ang nagsabing fake news ito kasi nga wala namang posts ang mag-asawa at walang ingay lalo’t nabanggit pa ni Derek sa panayam niya sa katotong Morly Alinio sa vlog nitong “Ito ang Tondo” na panay ang denay na buntis si Ellen at hoping na magkaroon na nga sila ng baby ngayong taon bilang Year of the Dragon.


At pagkasulat namin ng panayam ni Derek kay Morly ay tinawagan kami ng aming paru-parong source at ibinulong sa amin, “Uy, malapit na manganak si Ellen Adarna (sabay bilang ng buwan), by October, yes tama next month, October and it’s a girl.”

Sabi pa namin sa aming paru-parong source, “True ba? E, kakapanood ko lang ng interview kay Derek.”

“Oo true, by October. Siyempre ayaw na lang siguro ‘yan ipaalam for privacy,” sagot sa amin.

Heto pa ang nakakatawang bilin sa amin, “Ingatan mo pagsulat kasi baka mamali, alam mo naman si Ellen nagdedemanda kapag hindi maganda sa pandinig nila.”

Kaya hayan, nanganak na si Ellen at feeling namin ay kaninang madaling araw o anumang oras ngayong araw nangangak ang wifey ni Derek dahil pinost ito ng aktor 40 minutes ago sa kanyang Instagram.

Siyempre sobrang excited ni Derek kaya gusto niyang i-post agad ang larawan ng mag-ina niya kasama si Kuya Elias.

Anyway, nagbunga ang palaging pagpunta ng Mommy Remedios Ramsay ni Derek sa Manaoag dahil may bago na silang apo.

Bale 7 days ago ay naoperahan ang nanay ni Derek dahil sa pagkakatumba nito at nabali ang forearm at successful naman ang nasabing operasyon.

Samantala, binati ng mga kaibigan sa showbiz at non-showbiz ang mag-asawang Derek at Ellen sa pagsilang kanilang anak.

Read more...