Kasalang Janine Gutierrez at Jericho Rosales truth or fake?

Kasalang Janine Gutierrez at Jericho Rosales truth or fake?

Jericho Rosales at Janine Gutierrez

SINO kaya ang nasa likod ng Facebook page na Stars News? Sigurado kasi kaming FAKE NEWS ang ibinalita nitong kasal na sina Jericho Rosales at Janine Gutierrez.

Ang nakakabulag na titulo sa inilabas nilang balita ay, “Janine Gutierrez confirms her marriage to Jericho Rosales after 3 months of publicly dating. The truth behind it will surprise you, and that is…”.

At dahil malalaking artista ang mga nabanggit na bida sa umeereng “Lavender Fields” series sa Kapamilya channel ay marami itong engagements na at shares.

Paano namin nasabing fake news ang nasabing post ng nasabing website? Narito ang ilan sa hindi kapani-paniwalang laman ng nasabing artikulo.

“While their rapid romance might seem surprising to some, there’s a deeper story behind their union. Janine and Jericho were friends for years before they decided to take their relationship to the next level.

Baka Bet Mo: Marco Gumabao ninega ng netizen na galing google ang caption, pinagtanggol ng madlang pipol: ‘Inggit ka lang kasi wala kang jowa’

“This solid foundation of friendship likely played a crucial role in the strength of their connection and their decision to marry so quickly. The trust and understanding built over time allowed them to seamlessly transition into a romantic relationship.

“Their bond is rooted in mutual respect and admiration, making their marriage not just a romantic endeavor but a partnership built on a solid friendship. This dynamic is often seen as a recipe for success in relationships, and it’s exciting to see how it manifests in their love story.”


Sa sinasabing “were friends for years before” ay maling-mali na, dahil hindi pa magkakilala sina Jericho at Janine sa timeline na nakasaad sa artikulo though naririnig na nila ang mga pangalan ng bawa’t isa.

Pero ‘yung magkasama nang personal ay malabo pa dahil nga inamin dati ng aktor sa panayam sa kanya ni Karen Davila para sa YouTube channel nito na hindi niya alam ang tunay na edad ni Janine.

“Thought she was 24! EJ, my make-up artist said that she’s 24. And I said, ‘What?! Okay, bye,’ Alam mo ‘yun? Bye, I’m not dating a 24-year-old girl. Then I Google, Google, Google, Google (and found out she’s 34] sabi ko, ‘Oh, okay puwede pala. Puwede pa pala,” sabi ni Echo.

Edad 44 na ngayon ang aktor kaya hindi na rin alangan ang 10 years age gap nila lalo’t pareho naman silang single.

At hindi naman na siguro nila kailangang amining sila na dahil lagi silang magkasama at ipinakilala na ni Janine si Echo sa Mamita Pilita Corrales niya at sa pamilya niya’t kaanak.

Pero ang sure ay hindi pa sila kasal dahil hindi papayag si Ms. Pilita na ilihim ang kasal ng panganay na apo at siyempre ang panganay na anak naman ng ex-couple na Monching Gutierrez at Lotlot de Leon.

Anyway, ang nasabing website ay pawang tungkol kay Janine ang pino-post, bakit kaya?

Read more...