NCR, iba pang bahagi ng bansa Signal No. 2 na dahil kay Kristine

NCR, iba pang bahagi ng bansa Signal No. 2 na dahil kay Kristine

NASA Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) Warning No. 2 na ang Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon dahil sapananalasa ng bagyong Kristine.

Sa inilabas na weather bulletin ng PAGASA nitong 11 a.m., October 23, ang bagyo ay may layong 255km silangan ng Baler, Aurora taglay ang hanging may lakas na 85km/h hanggang 105km/h.

Si Kristine ay kumikilos pa-north northwest sa bilis na 30km/h.

Baka Bet Mo: PAGASA: Bagyong Goring naging ‘typhoon’ na, ilang lugar sa Luzon itinaas hanggang Signal No. 3

Ang mga sumusunod na lugar ang nasa Signal no. 2:

Ilocos Norte
Ilocos Sur
La Union
Pangasinan
Apayao
Abra
Kalinga
Mountain Province
Ifugao
Benguet
Cagayan kabilang ang Babuyan Islands
Isabela
Quirino
Nueva Vizcaya
Aurora
Nueva Ecija
Bulacan
Tarlac
Pampanga
Zambales
Bataan
Metro Manila
Cavite
Laguna
Rizal
Quezon kabilang Polillo Islands
Camarines Norte
Camarines Sur
Catanduanes
Albay
Northeastern portion ng Sorsogon

Narito naman ang mga lugar na nasa Signal no. 1:

Batanes
Batangas
Occidental Mindoro kabilang Lubang Islands
Oriental Mindoro
Marinduque
Romblon
Calamian Islands
Natitirang bahagi ng Sorsogon
Masbate kabilang ang Ticao at Burias Islands
Aklan, Capiz, Antique, kabilang Caluya Islands, Iloilo, Guimaras
Northern Portion ng Negros Occidental
Northern at Central portion ng Cebu kabilang Bantayan Islands at Camotes Islands
Bohol
Eastern Samar
Northern Samar
Samar
Leyte
Biliran
Southern Leyte
Dinagat Islands
Surigao del Norte kabilang Siargao-Bucas Grande Group

Ngayong gabi naman o bukas nang umaga, October 24, inaasahang magla-landfall ang bagyo sa malawak na bahagi ng bansa.

Sa darating na Biyernes naman, October 25, inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsbility (PAR) ang bagyong Kristine.

Read more...