outbrain

Phivolcs nagbigay muli ng update kaugnay ng lindol sa Aurora

By Leifbilly Begas May 23,2020
share this

Phivolcs nagbigay muli ng update kaugnay ng lindol sa Aurora

By Leifbilly Begas May 23,2020
share this

MULING naglabas ng update ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology kaugnay ng lindol kaninang umaga sa Aurora.

Ibinaba ng Phivolcs sa magnitude 5.1 ang lindol mula sa magnitude 5.4 sa ikalawang update nito. Naramdaman ito alas-10:10 ng umaga.

Ang epicenter nito ay 16 kilometro sa kanluran ng San Luis at may lalim na pitong kilometro.

Naramdaman ang:

Intensity VI – San Luis at Baler, Aurora

Intensity V – Dipaculao, at Maria Aurora, Aurora

Intensity IV – Casiguran, at Dingalan, Aurora; Gabaldon, at Palayan City, Nueva Ecija

Intensity III – Pantabangan, at Rizal, Nueva Ecija; Obando, Bulacan; Mabalacat City, Pampanga; Nagtipunan, Quirino; Villasis, Pangasinan; Paranaque City;

Antipolo City, Rizal

Intensity II – Cabanatuan City, Santa Rosa, at Santo Domingo, Nueva Ecija; Malolos City, at Plaridel, Bulacan; Baguio City; Manila City; Malabon City; Navotas City; Quezon City; Valenzuela City; Makati City; General Nakar, Quezon

Intensity I – Gapan City, Nueva Ecija; Guinayangan, Quezon; Binangonan, Rizal

Instrumental Intensities:

Intensity IV – City of Palayan, Nueva Ecija

Intensity III – San Ildefonso, Bulacan; City of Santiago, Isabela;

Intensity II – City of Cabanatuan, & San Jose City, Nueva Ecija; City of Malolos, Bulacan; City of Baguio; City of Navotas

Intensity I – Guagua, Pampanga; City of Dagupan; City of Malabon; City of Marikina; Quezon City; Guinayangan, & Mauban, Quezon; City of Iriga, Camarines Sur

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending