Babaeng pasahero walang pambayad sa taxi, Manong driver inalok ng ‘BJ’

Babaeng pasahero walang pambayad sa taxi, Manong driver inalok ng 'BJ'

Photo from Facebook

KUNG kayo ang taxi driver, papayag ba kayo sa alok ng inyong pasahero na BJ (blow job) na lang ang kanyang pambayad dahil wala siyang kapera-pera?

Mga ka-BANDERA, iyan ang usap-usapan ngayon sa isang Facebook group kung saan naglabas ng sama ng loob ng isang taxi driver dahil sa nakakalokang experience niya sa naging pasahero niya kamakailan.

Makikita sa naturang FB page ang ipinost na video ng isang netizen na may handle name na “Plaser Asly.” Dito mapapanood nga ang pag-uusap nila ng naisakay niyang babae sa minamanehong taxi.

Baka Bet Mo: BJ ‘Tolits’ Forbes bumisita sa TVJ, payag mag-guest sa ‘Eat Bulaga’ ng GMA at ‘E.A.T.’ ng TV5: ‘Kung saan po may trabaho, go po ako’

Ayon sa kuwento, inalok daw ni Ate Girl ng BJ si manong driver dahil wala raw itong pambayad matapos sumakay mula Tomas Morato patungo sa Muñoz.

“Hindi ako kumita ngayon e. Kahit tingnan n’yo po ‘yong gamit ko, wala po akong kinita ngayon.

“Kung may pera lang ako tingnan n’yo po wala po talaga akong kinita ngayon,” ang sabi raw ng babae sa driver.

“Kahit P100?” ang tila nagmamakaawa nang tanong ng taxi driver kay Ate Girl.

“Wala po talaga e. I-BJ (blow job) ko na lang kayo. Wala po talaga akong kinita ngayon kuya e,” sabi ng babae.

“Baba na,” ang tanging nasambit na lang ng driver sa kanyang pasahero.

Pero kinulit pa rin daw siya ng babae at nagtanong uli, “Ayaw mo i-BJ na lang kita?”

“Ayoko. Baba na, baba na!” hirit naman ng nagalit nang driver.

“E, di ‘wag!” ang pabalang na sagot ni Ate Girl bago tuluyang bumaba.

Kasunod nito, maraming taxi driver ang nag-comment sa naturang post na nagsabing nabiktima na rin sila ng nasabing babae.

“Pambihira, sumabay Yan sa akin kahapon, 145 ang metro, 100 lang binayad. Welcome to the club, amigo.”

“Nakupo yan yung tumira ng cp ko minsan dami bag n dala nyan”

“Gawain nya po yan…kilala ko yan kaya ingat po kayo lahat ng taxi driver modus po nya yan…”

“Naisakay kona yan nangdadakma ng pera sa loob ng taxe konware naghahanap ng charger sbe nya pa 8monts na daw cya d ginagalaw dame modus ngayon.”

“Nasakay ko din yan babae na yan mula morato to katipunan hindi din yan nag bayad sa akin.”

“Haha kilala ko yan sumakay na yan skin philcoa yan ang kumoha ng cp ko natandaan kona yan sbi nya bj..pinababa ko ndi ko namalayan dala na cp yan tlga”

“Dati s bagong barrio Yan nasakay , tapos papahatid Ng SM North.”

Read more...