Nadine walang galit sa GMA, umingay uli ang pangalan dahil sa Gala Night

Nadine walang galit sa GMA, umingay uli ang pangalan dahil sa Gala Night

Nadine Samonte

NEVER nagalit o nagkimkim ng sama ng loob si Nadine Samonte laban sa GMA nang magkaroon ng problema sa pagdalo niya sa naganap na Gala Night ng Kapuso Network last July.

Nawala kasi ang pangalan niya sa listahan ng mga imbitadong bisita kaya nagkaaberya nang papasok na siya sa venue ng naturang event.

Sey ni Nadine, parang blessing in disguise pa nga ang nangyari dahil talagang pinag-usapan ito sa social at naging maingay uli ang kanyang pangalan.

“No, actually no (nagtampo). Kasi in the first place they invited me, so wala sa akin talaga. Sa akin, kausap ko ‘yung mom ko, sabi ng mom ko, just let it be. Maging positive ka pa ring tao,” pahayag ni Nadine sa panayam ni Nelson Canlas.

Baka Bet Mo: Nadine Samonte, pamilya tagumpay sa paglaban sa COVID-19: Grabe ang nangyari sa amin!

Agad din naman daw siyang kinausap ng Sparkle GMA Artist Center after ng insidente at sinigurong hindi na mauulit ang nangyaring sablay.

“I’m so happy kasi kung hindi din dahil du’n sa news na ‘yun, hindi rin naman magiging maingay ‘yung pangalan ko, di ba?” sabi ni Nadine sabay tawa.


“Okay, naisip ko rin, there’s always a reason for everything talaga. And I’m very happy with my Sparkle family, I’m so happy with them and also with GMA,” dagdag ng StarStruck Avenger na napapanood ngayon sa latest Kapuso afternoon series na “Forever Young.”

Aminado naman ang Kapuso actress na may regrets din siya nang magdesisyong iwan pansamantala ang mundo ng showbiz.

“Sana I did more, but, there’s always a but, but I’m very proud of where you are now. Siyempre may mga regrets na sana ganiyan, sana ganyan, pero kasi kapag nangyari ‘yun, hindi magiging ganito ngayon,” aniya pa.

Napapanood ang “Forever Young” sa GMA Afternoon Prime kung saan kasama rin sina Euwenn Mikaell, Eula Valdez, Michael De Mesa, Alfred Vargas, Rafael Rosell, Matt Lozano, Althea Ablan, Abdul Rahman, Princess Aliyah, Bryce Eusebio, at marami pang iba. Ito’y mula da direksyon ni Gil Tejada, Jr..

Read more...