Movie nina Vilma, Aga, Juday, Arjo, FranSeth, CarJul pasok sa MMFF 2024

Movie nina Vilma, Aga, Juday, Arjo, FranSeth, CarJul pasok sa MMFF 2024

IBINANDERA na ang lima pang pelikulang lalaban sa pinakaaabangang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024 ngayong araw, October 22.

Ginanap ang announcement sa Podium Hall, Podium Mall, Ortigas Center, Mandaluyong City bilang bahagi pa rin ng “Sine-Sigla sa Singkwenta”, ang tema ng MMFF ngayong taon sa pagdiriwang nga ng 50 years ng taunang filmfest.

Present sa event si MMFF Executive Committee at Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Don Artes, at ang MMFF Executive Committee head na si Boots Anson Roa-Rodrigo.

Nagsilbi uling host ng official announcement sina Isabel Daza at Jake Ejercito na siya ring naging host sa naganap na unang pagbabahagi ng first batch of official entries.

Baka Bet Mo: Pelikula nina Vice, Bossing, Piolo, Dennis pasok sa Top 5 ng MMFF 2024

Narito ang bumubuo sa second batch ng mga napiling pelikula na kukumpleto sa 10 official entry na maglalaban-laban sa 50th edition ng MMFF na inihayag nina Jesse Ejercito, former MMDA-MMFF chairmen Benjur Abalos and Don Artes.

Unang in-announce ang “My Future You” ng Regal Entertainment starring Seth Fedelin and Francine Diaz, directed by Crisanto Aquino na sinundan ng “Uninvited” nina Aga Muhlach, Nadine Lustre at Vilma Santos under Mentorque  Productions.

Pasok din sa 50th Edition ng MMFF ang pelikulang “Topak” mula sa Nathan Studios na pinagbibidahan nina Arjo Atayde at Julia Montes.

Napili rin this year ang pelikula nina Carlo Aquino at Julia Barretto na “Hold Me Close” mula naman sa Viva Entertainment at ang “Espantaho” na pinagbibidahan nina Judy Ann Santos at Lorna Tolentino mula sa Quantum Films and Cineko Production.

Nauna nang in-announce ng MMFF organizers ang Top 5 official entries nitong nagdaang July. Ito ang mga sumusunod.

“And the Breadwinner Is…”
ABS-CBN Film Productions, Inc. & The Ideafirst Company
Directed by Jun Robles Lana
Written by Daisy Cayanan, Jumbo A. Albano & Jun Robles Lana
Genre: Comedy
Lead star: Vice Ganda

“Green Bones”
GMA Pictures
Directed by Zig Dulay
Written by Ricky Lee & Angeli Atienza
Genre: Suspense drama
Lead stars: Dennis Trillo and Sofia Pablo

“Himala, Isang Musikal”
Kapitol Films / Uxs, Inc.
Directed by Jose Lorenzo “Pepe” Diokno
Written by Ricky Lee & Jose Lorenzo “Pepe” Diokno
Genre: Musical
Lead stars: David Ezra, Victor Robinson, Aicelle Santos and Bituin Escalante

“Strange Frequencies: Haunted Hospital”
Reality MM Studios, Inc.
Directed by Kerwin Go
Written by Kerwin Go, Dustin Celestino & Leovic Arceta
Genre: Horror
Lead stars: Enrique Gil, Rob Gomez Jane De Leon, Alexa Miro and MJ Lastimosa

“The Kingdom”
APT Entertainment, Inc., MZET TV Productions, Inc., MQuest Ventures, Inc.
Directed by Michael Tuviera
Written by Michael Ngu-nario
Genre: Family Drama
Lead stars: Vic Sotto, Piolo Pascual, Sue Ramirez and Cristine Reyes

Inihayag ang naturang limang entry sa naganap na grand launch ng 50th edition ng MMFF sa Bulwagan Villegas ng Manila City Hall sa Maynila.

Magaganap naman ang annual Parade of Stars sa December 15, habang ang Gabi ng Parangal naman ay sa December 27.

Read more...