Heart kay Pia: Sana hindi mangyari sa ‘yo ‘yung nangyari sa ‘kin

Heart kay Pia: Sana hindi mangyari sa 'yo 'yung nangyari sa 'kin

TINULDUKAN na ng Kapuso actress at international fashion icon na si Heart Evangelista ang chikang magkaaway sila ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.

Marami kasi ang nagpapalagay na may silent war ang dalawa dahil sa umano’y parinigan at patutsadahan nila sa social media tungkol sa pagrampa sa mga fashion icon abroad.

Sa isang panayam, diretsahan nang sinagot ni Heart ang tanong sa kanya kung totoo bang may namamagitang hindi maganda sa pagitan nila ni Pia tulad ng kumakalat sa socmed.

“Woman to woman, I never had a problem with Pia. In fact, I was one of those who cheered for her in the past. And I like to think that it was the same for her,” simulang paglilinaw ng wifey ni Senate President Chiz Escudero.

Baka Bet Mo: Heart Evangelista, Pia Wurtzbach naka-unfollow na sa isa’t isa sa Instagram

“She was so sweet enough to even use and post the hashtag ‘Heart Made Me Do It’ and at the time, I was so touched.

“But, it’s the people that she chose to surround herself with for specific reasons that makes this whole thing problematic,” paliwanag ni Heart.

Walang binanggit na pangalan ang Kapuso star kung sino ang pinatutungkulan niya sa kanyang pahayag pero nagbigay siya ng mensahe sa dating beauty queen.

“So, if I have a message to Pia it would be, congratulations! You have what you needed, I wish you nothing but the best and good luck.

“Sana, sana! Hindi mangyari sa ‘yo ‘yung nangyari sa akin. Yun lang siguro ang gusto kong sabihin,” paalala pa ni Heart.

Read more...