Signal no. 1 itinaas sa malaking bahagi ng bansa dahil sa Bagyong Kristine

Signal no. 1 itinaas sa malaking bahagi ng bansa dahil sa Bagyong Kristine

PHOTO: Facebook/Dost_pagasa

TULUYAN nang naging bagyo ang Low Pressure Area na binabantayan sa labas ng bansa.

Nakapasok ang sama ng panahon kagabi, October 20, at ito ay pinangalanang Bagyong Kristine.

Ayon sa 11 a.m. update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nananatili ang lakas ng bagyo habang kumikilos pa-kanluran sa bilis na 30 kilometers per hour.

Huli itong namataan sa layong 870 kilometers sa silangan ng Eastern Visayas.

Ang taglay nitong lakas na hangin ay 55 kilometers per hour at bugsong aabot sa 70 kilometers per hour.

Ayon sa weather bureau, posible pa itong lumakas sa mga susunod na araw hanggang sa maging Typhoon sa darating na Huwebes, October 24.

Baka Bet Mo: Maine 6 years na sa showbiz: Ang bilis! Ang dami na ring nangyari at wala na akong mahihiling pa!

Inaasahan din na tatama ito sa lupa sa Northern Luzon pagdating ng Biyernes, October 25.

Itinaas na sa Tropical Cyclone Signal No. 1 sa malaking bahagi ng ating bansa.

Kabilang na riyan ang ilang lugar sa Luzon: Catanduanes, Masbate kasama na ang Ticao Island at Burias Island, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Camarines Norte, at ang eastern portion ng Quezon (Tagkawayan, Guinayangan, Buenavista, San Narciso, San Andres).

Meron din sa Visayas: Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Leyte, Biliran, at Southern Leyte.

Kasama rin sa listahan ang Mindanao: Dinagat Islands at Surigao del Norte, at ang Siargao – Bucas Grande Group.

Base sa rain forecast ng PAGASA ngayong araw, October 21, ang Bagyong Kristine ay magdudulot ng scattered rains sa Bicol region, Eastern Visayas, at Quezon.

Ang “trough” o buntot ng weather disturbance ay magdadala rin ng mga ulan sa Metro Manila, MIMAROPA, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, at sa nalalabing bahagi ng Visayas at CALABARZON.

Read more...