Angelo Mesina ng Lola Amour doktor na: ‘Our boy made it!’

Angelo Mesina ng Lola Amour doktor na: ‘Our boy made it!’

PHOTO: Facebook/Lola Amour

INSPIRING ang latest milestone ni Angelo Mesina, ang isa sa miyembro ng OPM band na Lola Amour.

Paano ba naman kasi, isa na siyang ganap na doktor!

Ang nakakatuwang balita ay ibinandera mismo ng banda sa kanilang official Facebook account.

Makikita pa nga ang throwback picture ng trumpet player noong bata pa siya at may caption itong, “Noon pa, gusto ko nang maging doctor.”

Kalakip din niyan ang picture niya recently na nakasuot ng medical uniform at may screenshot pa ng kanyang pangalan na mula sa listahan ng mga nakapasa sa October 2024 Physician Licensure Exam (PLE).

Baka Bet Mo: Banta ni Angelica Jones sa tatay ng anak: ‘Kung may masamang mangyari sa kanya, ikaw ang una kong ipakukulong’

Proud na inihayag ng banda, “OUR BOY MADE IT!!!!!”

“EVERYONE SAY CONGRATULATIONS DOC MESINA FOR PASSING THE BOARDS!!” wika pa sa post.

Napuno ang comment section ng “congratulatory” messages mula sa fans at bilib na bilib sa achievement ni Angelo.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Congratulations to this musician doctor. If there is a will there’s a way! [party popper, clapping hands emojis]”

“Congratulations doctor Mesina were happy for you [party popper emojis]”

“So proud of you!!!! [partying face, heart hands emojis]”

“An Inspiration! Congratulations, Doc!!!”

“Congrats doc [party popper emojis] Grabe walastik. Good luck with your future endeavors. Galing!”

Ilan lamang sa mga sikat na kanta ng Lola Amour ay ang “Fallen,” “Maybe Maybe,” “Umiinit,” “Namimiss Ko Na,” at “Raining in Manila.”

Read more...